Mukhang malaki ang natutuhan ni Marvin Agustin sa nangyaring mga aberya sa kaniyang cochinillo noong Pasko na umani ng katakot-takot na reklamo mula sa mga customers.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/12/27/cochinillo-ni-marvin-agustin-inireklamo-ng-mga-customers-i-will-learn-from-this/">https://balita.net.ph/2021/12/27/cochinillo-ni-marvin-agustin-inireklamo-ng-mga-customers-i-will-learn-from-this/

Maging ang ilang mga personalidad sa showbiz ay nagpahiwatig na hindi nila nagustuhan ang kalidad ng cochinillo ni Marvin.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/12/29/ogie-diaz-darryl-yap-hindi-nasarapan-sa-cochinillo-ni-marvin-agustin/

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Humingi na rin naman ng dispensa si Marvin sa mga customers niya, dahil sa mga unforseen circumstances na nakaapekto sa kalidad ng cochinillo na nakarating sa kanila.

Ngunit napilayan man, moving forward si Marvin na ipagpatuloy ang kaniyang negosyo, matapos niyang mag-post ng quote card na nagsasabing tuloy-tuloy lamang ang kaniyang pagtanggap ng orders sa kabila ng mga nangyari.

"Happy new year everyone!" pagbati ni Marvin.

"We live and we learn to fight another day. We are roasting now your COCHI orders."

"We have prepared and gave our all to make everything good."

"Enjoy the COCHI we all worked hard for to give you a delicious experience."

"Moving forward, after this holiday. We will go back to our old-style of operations that we won't be able to arrange delivery anymore for our customers, as this is not our core competency."

Batay sa pahayag ni Marvin, alam nila ang kalidad ng kanilang cochinillo subalit ang delivery nito sa mga customers ay hindi na nila kontrolado.

"Our COCHI quality is best enjoyed straight from the oven, delivery conditions is something beyond our control."

"While other customers' experiences of traveling as far as Bataan and Batangas, having our COCHI reached to their addresses with quality they love and enjoy. That may not be the case for others."

"We give instructions what to do but we don't know what happens during the travel time."

"We thank you all for your continued trust and support."

"God bless all of us! We wish a peaceful, healthy, and happy 2022!"

Screengrab mula sa IG/Marvin Agustin

Screengrab mula sa IG/Marvin Agustin

Screengrab mula sa IG/Marvin Agustin

Screengrab mula sa IG/Marvin Agustin

Hindi naman nilinaw ni Marvin kung nag-refund ba siya at nagpadala ulit siya ng bagong order sa mga nagreklamong customers sa kaniya noong bisperas hanggang araw ng Pasko.