Nakikita ni Senador Manuel "Lito" Lapid ang kanyang kapwa mambabatas na sina Senador Panfilo Lacson, presidential aspirant na tumatakbo sa ilalim ng Partido Reforma, at Senate President Vicente Sotto III, vice presidential aspirant-- bilang pinaka-kwalipikadong mamuno sa bansa.
Ipinaliwanag ni Lapid, dating action star, ang kanyang kagustuhan sa mga kapwa niyang senador na miyembro rin ng tinatawag na "Macho Bloc" sa upper chamber.
Sinusuportahan niya ang Lacson-Sotto tandem hindi lang dahil kaalyado niya ang mga ito, ngunit nakita niya ang kanilang natatanging mga katangian bilang mga pinuno sa panahong magkasala sila sa Senado.
Si Lapid ay miyembro ng National People's Coalition (NPC), na pinamumunuan ni Sotto, na kaalyado naan ng Partido Reporma na pinamumunuan ni Lacson.
Kilala rin ang mga senador ng "Macho Bloc" sa kanilang pagiging matigas sa pagpapatupad ng mga desisyon bilang mga mambabatas.
Mario Casayuran