"Huling hirit sa Baguio as a friend?"

Bumaba sa 10. 6 degrees Celsius (°C) ang temperatura sa Baguio City nitong Biyernes, Disyembre 31 ayon sa Philippine Atmospheric. Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa patuloy na pag-iral ng amihan, bumaba ang temperature ng hangin sa lungsod bandang alas-4 ng umaga, ani PAGASA.

Batay sa datos ng weather bureau, ito na ang pinakamalamig na umaga sa Baguio City ngayong panahon ng amihan. Samantala, kabilang sa pinakamababang temperatura ang naitala ngayong Biyernes ng umaga ang:

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Laoag City, Ilocos Norte (17.6°C, 7 a.m.)

Basco, Batanes (18.6°C, 8 a.m.)

Casiguran, Aurora (18.6°C, 6 a.m.)

Malaybalay, Bukidnon (19°C, 5:30 a.m.)

Tanay, Rizal (19.0°C, 4:06 am.)

Tuguegarao City, Cagayan (19.4°C, 6:15 a.m.)

Abucay, Bataan (20.1°C, 6 a.m.)

Science Garden, Quezon City (20.1°C, 6 a.m.)

Sinait, Ilocos Sur (20.6°C, 7 a.m.)

Nauna nang inanunsyo ng PAGASA na ang pinakamababang temperatura ngayong “amihan season” ay naitala sa 7.9°C sa Benguet State University (BSU), La Trinidad noong Pebrero 20, 2021.

Charlie Mae F. Abarca