Hindi na nakapagtimpi pa ni Sunshine Cruz na buweltahan ang mga nagpapakalat ng fake news na buntis umano ang kaniyang anak na si Sam Cruz.

Ibinahagi ni Sunshine ang screengrab niya sa mga social media pages na nag-ulat at nag-iintrigang buntis umano ang kaniyang anak na si Sam, batay lamang sa kuhang litrato nila ng pamilya noong Pasko. Iniisyu kasi ang 'baby bump' umano ng kaniyang menor de edad na anak.

“Fake news! So easy to destroy and make fun of someone by spreading lies on social media. Piliin niyo pinaglalaruan niyo, huwag 'yung bata o minor pa,” saad ni Sunshine sa kaniyang Facebook post.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Screengrab mula sa FB/Sunshine Cruz

Hindi ito ang unang beses na pinalagan ng aktres, na mapapabilang ngayon sa cast ng 'Mano Po: Legacy' ng GMA Network, sa pagpasok ng 2022, ang mga malisyosong intriga na ipinakakalat hinggil sa kaniyang mga anak. Matatandaang pinaglaruan din ang photo ng kaniyang boyfriend na si Macky Mathay, kung saan idinikit ang mukha nito sa katawan ng isang porn actor.

“Sa mga hindi aware, Macky’s face was edited. Binago at ginawang porn actor. The comments as you can see are disgusting. Let’s not tolerate this kind of behavior here on Facebook,” caption niya.

“Sadly, it is so easy for others to say nasty things on social media. Which reveals the person they are. They must’ve forgotten na may mga babae din silang kapamilya.”

Marami rin umano siyang inunfriend at bin-lock na mga 'sexual predators' sa social media.

“Enjoy din naman palang mang-ban, block, and delete. Nagkalat ang ‘sexual predators’ online. Parang ngayon lang nakakita ng mga babae. Ako po ang nahihiya para sa mga magulang n'yo. You guys know who you are. I am saving those messages before banning you. You’ve been warned,” banta ni Sunshine.

Hindi pa tiyak kung may legal action na gagawin si Sunshine laban sa mga naturang social media pages, lalo't menor de edad pa lamang ang ginawan ng isyu.

May be an image of 4 people, people standing and indoor
Angelina Isabelle, Samantha Angelene, Angel Franchesca, at Sunshine Cruz

Si Sam ay anak nina Sunshine at aktor na si Cesar Montano.