Muli na namang pinag-uusapan ngayon sina Paolo Contis at Yen Santos matapos ibahagi ng isang netizen at isang showbiz social media page ang litrato umano nila kung saan makikita umanong magkasama ang dalawa sa airport, patungong Boracay.

No description available.
Screengrab mula sa FB/Isyus

Matatandaang noong Setyembre, sa kasagsagan ng hiwalayan nina Paolo at longtime partner na si LJ Reyes, pinutakti ng intriga ang dalawa matapos umakyat sa Baguio City. Hindi naman ito itinanggi ni Paolo, at sinabi niyang magkaibigan lamang daw sila ni Yen, na nakatambal niya sa pelikulang 'A Faraway Land' na napanood naman sa Netflix Philippines.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

"At ayon na nga! Nag-Boracay as a friend talaga sila," nakalagay sa caption ng netizen na nagbahagi nito sa social media.

Ngunit marami naman sa mga netizen ang hindi naniniwala tungkol dito, dahil iisang online user lamang daw ang nagpapakalat ng 'resibo'. May mga netizen pa na nagtanggol sa kanila, na tantanan na sana ang dalawa na hindi na matahimik ang buhay dahil sa intriga.

Matatandaang noong Nobyembre ay inisyu na naman ng mga netizen ang dalawa dahil sa birthday dinner date ni Yen. Espekulasyon ng mga netizen ay magkasama umano ang dalawa, batay sa kanilang mga ibinahaging litrato sa Instagram stories nila. Muli, walang kumpirmasyon mula sa dalawa tungkol sa bagay na ito.

As of this writing ay hindi pa rin kinukumpirma nina Paolo at Yen kung sila nga ba ang nasa kumakalat na litrato, o kung recent photo nga ba ang ibinahagi ng naturang netizen. Hindi pa rin nagbibigay ng pahayag ukol dito ang talent manager ni Paolo na si Manay Lolit Solis.