Mukhang unti-unti na ngang nakukumpirma ang balitang tuluyan nang lilisanin ni batikang broadcast journalist na si Julius Babao ang ABS-CBN, at lilipat na sa TV5.

Nauna nang maiulat sa Balita Online ang umugong na tsismis na aalis na umano si Julius sa network na nagsilbing tahanan niya sa loob ng halos tatlong dekada. Siya umano ang papalit kay Raffy Tulfo, na tumatakbong senador, bilang news anchor ng 'Frontline Pilipinas' kasama ang dating kasamahan din sa ABS-CBN na si Cheryl Cosim.

Sa Instagram post ni Karen nitong Disyembre 29, makikita ang litrato nila ni Julius na isang linggo nang guest anchor sa 'TV Patrol', flagship newscast ng Kapamilya Network.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Julius Babao at Karen Davila (Screengrab mula sa IG/Karen Davila)

"FULL CIRCLE Of my 20 years in ABSCBN, @juliusbabao has been my co-anchor the longest. He is not just a colleague but a friend," panimula ni Karen.

"We first partnered in TV Patrol World from 2004-2010 with Ted Failon & then Bandila in 2010-2019 with Ces Drilon. So you can imagine, I’m feeling nostalgic anchoring with Julius on his last week with ABS-CBN."

"The great Freddie Garcia once told me, 'Karen, in television, change is the only thing that’s permanent”. We aren’t here forever but with the years given us, we give it our ALL."

"Kapamilyas come and go but our hearts remain bonded for life. I pray and believe for better times ahead for ABS-CBN. We are strong. Bilog ang mundo at alam ko, magkikita tayong muli. Wishing you well Julius!"

Tumugon naman dito si Julius, "Great to see you again Karen! We will still see each other soon over coffee, lunch and dinners… im just a stone’s throw away from you!"

Makikita naman sa Instagram posts ni Julius ang mga litrato niya habang nagbabalita sa TV Patrol, sa huling isang linggo niya sa network.

"Great to reunite and catch-up with my former TV Patrol and Bandila partner @iamkarendavila" saad niya sa isang IG post, kalakip ang litrato nila ni Karen, na kapareho sa inilakip na litrato ni Karen sa kaniyang farewell IG post para kay Julius.

Julius Babao at Karen Davila (Screengrab mula sa IG/Julius Babao)

Julius Babao (Screengrab mula sa IG/Julius Babao)

Alvin Elchico, Zen Hernandez, Winnie Cordero, at Julius Babao (Screengrab mula sa IG/Julius Babao)

Nauna nang lumipat sa TV5 ang dating TV Patrol news anchor na si Ted Failon kasama si DJ Chacha. Nasa TV5 na rin under Brightlight Production si Korina Sanchez bitbit ang 'Rated Korina' ngunit napapanood din ito sa Kapamilya Network. Ang misis ni Julius na si Christine Bersola-Babao ay matagal nang nasa TV5.

Si Kuya Kim Atienza, na dating weatherman at trivia master ng TV Patrol at ABS-CBN, ay nasa GMA Network na.