Sa kaniyang showbiz vlog nitong Disyembre 28, pinayuhan ni Ogie Diaz si Marvin Agustin na i-refund o ibalik na lang niya ang bayad ng mga nadismayang mga customers sa cochinillo niya, na umani ng reklamo sa kasagsagan ng pagdiriwang ng Pasko.

Mukhang si Ogie mismo ang nakatikim ng cochinillo ni Marvin, at pabirong hirit niya, mukhang hindi sila nagkasundo ng biik sa lasa, na tila nagbabadyang hindi nga nagustuhan ng showbiz columnist ang produkto ng actor-businessman.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/12/29/ogie-diaz-darryl-yap-hindi-nasarapan-sa-cochinillo-ni-marvin-agustin/

"Eh, kasi naman ‘Nay, sa pagkain relative ‘yan, eh. ‘Yung masarap sa ‘yo hindi masarap sa iba, ‘yung masarap sa iba hindi masarap sa ‘yo,” saad ni Mama Loi na co-host niya.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

"Ikaw ba nakatikim na?” tanong ni Ogie.

"Natikman ko na rin ‘yun," sagot naman ni Mama Loi.

“Sino kasama mo?" untag ulit ng showbiz columnist-vlogger.

"Ikaw! Hahahaha!" natatawang sabi ni Mama Loi.

Natikman umano nila ang cochinillo ni Marvin sa isang birthday party.

"Tinikman natin 'di ba? Totoo ba ito? Oo 'di ba, grabe ‘yung hype, ‘yung press release, ‘yung marketing strategy na takam na takam si Marvin Agustin sa lechon tapos ng tinikman namin, ganito lang ‘to?”

Pati raw sauce ay mamantika rin at hindi nila nagustuhan.

Kaya payo ni Ogie kay Marvin, "Kung talagang gustong itayo ni Marvin ang kanyang dignidad, ang kanyang integridad at kung talagang sincere siya sa kanyang apology, sa kanyang statement na ito feeling ko dapat si Marvin ay i-refund niya ang bayad ng mga na-disappoint."

“Yung mga tao na nag-expect ng too much from his cochinillo. Tingnan natin sa mga susunod na araw ay mag-update siya. Sana ang update ni Marvin ay, ‘Ito na po ‘yung mga nasoli naming bayad."

"So, Marvin alam naman natin na ikaw ay isa nang chef at entrepreneur at ilan na rin ang mga restaurants mo na sabi mo nga, di ba, mas maganda kung ibalik natin ang mga tiwala ng customers natin," aniya pa.

Samantala, wala pang bagong update o post si Marvin tungkol sa isyu, at ang latest ay ang quote cards ng kaniyang paghingi ng tawad sa mga nadismayang customers, na aminado naman niyang pagkukulang nila, dahil sa mga 'unforeseen circumstances.' Nangako naman siya na pagbubutihin pa nila sa susunod.

Isa pa sa mga celebrity na tahasang nagsabing hindi niya bet ang lasa ng cochinillo at sarsa nito ay ang direktor na si Darryl Yap.

Samantala, sinsero naman ang paghingi ng dispensa ni Marvin sa mga customers na nagreklamo sa kaniyang negosyon, na makikita sa kaniyang Instagram post.

“My worst Christmas. I will learn from this.”

“I’m very sorry, everyone…”

“Napakahalaga ng Pasko sa atin, lalo na sa dami nang pinagdaanan natin ngayong nakaraang taon kung kaya’t napakasakit para sa akin na madami kaming mga taong naperwisyo kahapon (December 24) at ngayong araw na ‘to.”

“I am very sorry to each one of you. Maling-mali na nagpa-overwhelm kami sa mga di inaasahang problema, nagkulang kami sa aming serbisyo, at hindi namin aga-dagad na natugunan ang inyong katanungan. At masakit man ‘yung mga nababasa ko, tinatanggap ko lahat kasi talagang nagkamali ako.”

Humihingi pa ng pagkakataon si Marvin upang makabawi sa mga customers na nadismaya sa kaniyang negosyo. Marami raw kasing unfortunate incidents na nangyari na nakaapekto sa production ng kanilang mga order, lalo na’t peak days ang bisperas at mismong araw ng Pasko.

“Sana mabigyan n’yo ako ng pagkakataon maipakita na hindi ko pagkatao ang magbigay ng problema o hirap sa kahit na kanino.”

“I had a series of unfortunate incidents from our kitchen equipment breaking down, a glitch in our ordering system, and last minute cancellations of couriers due to several unforeseen reasons.”

“Alam kong hindi ito excuse not to give you the service you deserve and expect, lalo na sa araw na halos tatlong buwang pinaghahandaan ng bawa’t pamilyang Pilipino kung kaya’t napakahalagang huwag magkamali.”

Hindi naman daw sila tumitigil sa pakikipag-ugnayan sa mga customers na may complaints sa kanilang natanggap na cochinillo.

“My team and I have reached out to some of you, the people I’ve caused terrible inconvenience and an awful experience during the most important and special occasion of the year. And you will continue to hear from us in the next few days.”

“To those who haven’t received a message from us, I am just gathering all the information so we can address your concerns properly.”

“Bawa’t isa sa inyo mahalaga sa akin at sa aming trabaho.”

“I promise each one of you, we will do better,” sey pa ni Marvin.