Hindi na nakapagtimpi ang kilalang RnB singer na si Kris Lawrence at galit itong minura ang isang airline company sa Facebook matapos mababoy ang kanyang bagahe.

“I am soooo mad right now. Really holding back from saying cuss words on my feed, but F** you AirAsia! We asked you to put “Fragile” on the luggage, and when i got my baggage the lock was different and things were out of their place so I KNOW ya’ll went thru my things,” nagpupuyos na paratang at sabi ni Kris sa kanyang burado nang Facebook post nitong gabi ng Miyerkules, Disyembre 29.

Sa mga larawang ibinahagi ng singer, makikita ang sumaboy niyang powder supplements na nasa loob ng kanyang maleta dahilan para magmukhang kalunos-lunos ang inabot ng kanyang mga damit sa loob nito.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Larawan mula Kris Lawrence via Facebook

Larawan mula Kris Lawrence via Facebook

“The least you could have done was close my supplement properly so that this doesnt happen. ALL my clothes! ????

Wala nang ibang detalye ang ibinahagi ni Kris kabilang ang kaniyang naging destinasyon at petsa ng kanyang pagsakay sa eroplano ng naturang airline company.

Wala pa ring pahayag ang sangkot na kompanya ukol sa isyu.

Ang Filipino-American singer-songwriter na si Krsi ay kilala bilang RnB prince ng Pilipinas. Siya ang nasa likod ng mga sikat na kantang “Kung Malaya Lang Ako,” “Ikaw Pala” bukod sa iba pa.