Na-offend nga ba ang actor-singer na si Janno Gibbs sa naganap na digital press conference para sa pelikulang 'Sanggano, Sanggago, at Sanggwapo' na pinagbibidahan nila nina Dennis Padilla at Andrew E?

Naungkat kasi ng host nito na si Giselle Sanchez ang isang pangyayari sa buhay ng aktres na si Bing Loyzaga, misis ni Janno. Nagkabiruan kasi nang tanungin ni Dennis si Giselle kung sino-sino raw sa mga lead stars ang puwedeng maging boyfriend, ka-one night stand, o ka-MU lang o mutual understanding.

Tumatawang sinabi ni Giselle na wala raw subalit iginiit ni Dennis na katuwaan lang ito.

Sabi ni Giselle, dahil matagal na niyang kaibigan si Dennis, ito na lang daw ang bf material. Platonic lang daw at parang MU lamang. Hindi rin daw puwede ang kissing.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Si Andrew naman daw ang tipong pang-one night stand.

Hirit ni Dennis, "Pag si Janno naka one-night stand mo, talagang mapapa-I love you ka diyan!"

At nabanggit umano ni Giselle ang tungkol kay Bing.

"Malakas sumipa itong si Bing Loyzaga, I know from history. hahahahaha! May sinipa na 'yan sa recording studio. Hindi ako naninira nasabi ko lang na malakas siyang sumipa."

Natanong naman kung sino ang personalidad na nasipa nito sa recording studio.

"Ayoko nga! Matagal na 'yun! Past is past! Ano Janno? Ninerbyos ka ba Janno? hahahahaha!"

Umalis daw si Janno.

"Joke lang 'yun, Janno! Janno bumalik ka! Galit ba talaga siya? Janno balik! Balik! Nagjo-joke lang ako. Haha."

Ngunit makalipas daw ang halos isang oras ay hindi pa rin bumalik si Janno, at hindi raw umano nito sinasagot ang mga tawag ni Giselle.

Samantala, wala pang tugon o pahayag si Janno tungkol sa isyung ito.