Pinasalamatan ng aktres na si Ynez Veneracion ang kaniyang ex-partner na si Maguindanao Second District Representative Toto Mangudadatu dahil pumayag itong makasama sila at maka-bonding ng kanilang anak na si Keilah.

Kahit na may iba nang pamilya si Toto ay hindi naman umano nakalilimot ang kongresista sa responsibilidad sa kanilang anak.

"Had lunch at Greenbelt 3 with her Papa Toto. Thank you for spending time with us & also for being such a good father to Keilah. She missed you so much & was so happy to see you. Until next time. Stay safe & healthy gov. Allah bless you," saad ni Ynez sa kaniyang Instagram post nitong Disyembre 27, kalakip ang kanilang mga litrato.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Keilah, Toto Mangudadatu, at Ynez Veneracion (Larawan mula sa IG/Ynez Veneracion)

Keilah, Toto Mangudadatu, at Ynez Veneracion (Larawan mula sa IG/Ynez Veneracion)

Keilah, Toto Mangudadatu, at Ynez Veneracion (Larawan mula sa IG/Ynez Veneracion)

Keilah at Toto Mangudadatu (Larawan mula sa IG/Ynez Veneracion)

Sa comment section nito, makikitang may heart emoticons ang misis ni Toto na si beauty queen Sharifa Akeel-Mangudadatu at mukhang suportado naman nito ang bonding moments ng mister sa anak nitong si Keilah. 'Ganda points' ito para sa kaniya dahil umani ito ng positibong reaksyon mula sa mga netizen.

2010 nang magkaroon ng relasyon sina Toto at Ynez. Maguindanao governor pa noon si si Toto. Makalipas ang isang taon, noong 2011, isinilang ni Ynez ang anak nila.

Sa panayam naman ng Philippine Entertainment Portal o PEP kay Ynez noong Agosto 24, 2021, inamin niyang inaya na siyang pakasalan noon ni Toto subalit tinanggihan niya. Hindi umano niya kakayanin na marami silang misis sa buhay nito. Isang Muslim kasi si Toto at pinapayagan ng kanilang kultura at relihiyon na mag-asawa sila hanggang apat, basta't kakayanin at may kapasidad namang buhayin ang pamilya.

"Pang-apat yata ako noon, kasi yung una, namatay, di ba? Tapos may pangalawa, may pangatlo," pahayag ni Ynez.

"Noong una, gusto niya, pakasal. Yun nga ang sabi ko dati, na huwag na. Kasi, baka mamaya, hindi naman pala siya, 'di ba?

"Oo lang ako nang oo dati, pero hindi ko ginagawa. Niloloko ko siya dati, sabi ko, ‘Saan tayo magpapakasal?’ ‘Kahit saan, pakasal tayo, pakasal tayo.’

At mabuti na nga lamang daw at hindi natuloy dahil sa hiwalayan din naman sila mauuwi.

Bukod sa ayaw ng aktres sa ganoong set-up, binantaan pa umano siya ng isa sa mga legal wife ni Toto noon.

Nag-isang dibdib naman si Toto at Miss Asia Pacific International 2018 Sharifa Akeel nitong Agosto 25, 2021, matapos ang kontrobersyal nilang relasyon.

Si Ynez naman ay may ka-live in partner na non-showbiz boyfriend at may anak na rin sila.