Muli na namang nabiktima ang "Bullied Husband Club" member na si Nico Bolzico sa kanilang kamakailang family trip sa France kasama ang kanyang asawang si Kapuso actress Solenn Heusaff.

Ibinahagi ni Nico ang isang nakakaaliw na larawan sa Instagram kung saan makikita ang malaking pagkakaiba ng larawang kinuha niya kay Solenn sa kanyang larawan na ang eksena’y tila perfect na nakahawak sa tip ng hugis-pyramid na Louvre Museum.

“The picture I take vs the picture she takes, in addition mine had more than 27 options while hers was buy one take one! “ caption ni Nico sa Instagram.

Hindi naman nakalimutan ng “bullied husband” na paalalahanan ang kapwa kasapi sa club na parte ng kanilang responsibilidad ang kumuha ng maayos na larawan sa kanilang mga asawa.

Tsika at Intriga

Kris Aquino, nagsalita sa chikang ikinasal na siya sa non-showbiz boyfriend

“Just to be clear, it is OUR responsibility to take the pictures, and u better do it well!” ani Nico

Kilala ang mag-asawa sa kanilang nakakaaliw na mga kwento at pagbabahagi sa social media bilang mag-asawa.