Tuluyan na ngang nagkaayos at nagkabalikan ang mag-asawang Alwyn Uytingco at Jennica Garcia.

Kompleto ang kanilang pamilya na nagdiwang ng Pasko, na ibinahagi ni Alwyn sa kaniyang Facebook post.

"Thank you Lord for the gift of family. Merry Christmas everyone!" aniya.

At nitong Disyembre 26 ay ipinagdiwang ni Jennica ang kaniyang 32nd birthday.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

"Ang buhay mo ay isang obra na nilikha ng Diyos," panimula ni Alwyn.

"Sa bawat minuto, oras, araw at taon na nakakasama kita, mas gumaganda at mas lumalalim ang pagtingin ko sa'yo. Kung ang buhay ay isang painting, maiintindihan natin kung bakit hindi sa lahat ng oras ay madali ang ‘pagpipinta’ nito. Hindi palagi ay gagamit ka ng puti, dilaw, kahel at maliliwanag na kulay para mabuo ito."

May be an image of 1 person
Jennica Garcia (Larawan mula sa FB/Alwyn Uytingco)

"Minsan may itim, asul at indigo na tila nagsisilbing pambalanse upang magrehistro ang lahat ng aspeto sa buhay ng tao. Napakakulay ng buhay mo, at ito ang dahilan kung bakit ako patuloy na humahanga at nabibighani sa’yo. Isa lang ang kinaiinisan ko, hindi mo ito batid. Walang kang malay na ganito ang kinang na nakikita ko sayo, at ng mga tao sa paligid mo."

"Isa lang ako sa mga miron na gustong tumitig sa’yo buong maghapon. Sa katotohanan, wala akong kapasidad na maiuwi ka sa bahay, mailagay sa magandang dingding at maipagmayabang sa mga tao. Wala akong kapangyarihan para angkinin ka, dahil kung tutuusin, ang Ama natin sa itaas ang siyang may karapatan ng umangkin sa’yo."

"Pero kahit hindi man ako karapat-dapat na maging parte ng kulay ng buhay mo, heto ka’t nasa harapan ko, araw-araw na binibigyan ng pagkakataon na masilayan ka at masaksihan ang gandang taglay mo. Hindi ito nagtatapos sa isang hagod ng pintura, na parang isang hindi pa natatapos na mosaic, patuloy ang iyong pag usbong at pagbibigay-kulay sa canvas ng buhay."

Sa huling talata ng kaniyang mensahe, pinasalamatan niya si Jennica na hinayaan muli siyang maging bahagi ng kaniyang buhay.

"Salamat Jennica, dahil andito pa rin ako at parte ng pagpipinta mo. Salamat sa buhay, liwanag at inspirasyon na dala mo para sakin, sa mga anak natin, at mga taong nagmamahal at humahanga sayo. Salamat, at kasama kami sa obra ng buhay mo. Maligayang kaarawan, Mahal."

Inilakip ni Alwyn ang mga litrato ni Jennica at ilang mga sample ng kaniyang obrang paintings.

May be an image of 1 person and standing
(Larawan mula sa FB/Alwyn Uytingco)

May be an image of outdoors
(Larawan mula sa FB/Alwyn Uytingco)

No photo description available.
(Larawan mula sa FB/Alwyn Uytingco)

Ikinasal ang celebrity couple noong Pebrero 2014.

Dumaan sa pagsubok ang kanilang relasyon noong 2020, at nitong Mayo 2021 ay inamin ni Jennica na hiwalay na sila ni Alwyn. Nagbitiw rin ng ilang masasakit na salita ang celebrity mom ni Jennica na si Jean Garcia laban sa manugang.

Makalipas ang ilang buwan, sinabi ni Jennica na nasa proseso sila ng pag-aayos ng kanilang relasyon ni Alwyn.

Nitong Disyembre 11, lumabas at nag-eat out sina Alwyn at Jennica kasama ang kanilang mga anak na sina Athena Mori at Alessi.

May be an image of 2 people, food and indoor
Jennica Garcia at Alwyn Uytingco (Larawan mula sa FB/Alwyn Uytingco)

May be an image of 1 person, sitting and indoor
(Larawan mula sa FB/Alwyn Uytingco)