Pagkatapos ng 8th Eviction Night ng Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 nitong Disyembre 26, tuluyan na ngang napalabas ng Bahay ni Kuya ang mga housemates na sina Alexa Ilacad at KD Estrada at tuluyan namang nailigtas sa pamamagitan ng votation sina Samantha Bernardo, Anji Salvacion, at Madam Inutz.

Umani naman ng batikos mula sa mga netizen ang talent manager ni Madam Inutz na si Wilbert Tolentino. Kinukuwestyon kasi ng mga netizen ang ginagawa nitong pagsuporta sa alaga, sa pamamagitan ng maramihang pagboto sa kaniya, gayundin kay Samantha Bernardo. Nawawala na raw ang essence ng reality show na 'taumbayan' o publiko ang boboto. Ang nangyayari daw, paramihan ng sponsors ang labanan upang mailigtas ang isang housemate mula sa eviction.

Samantala, may mga nagsasabi namang huwag sisihin si Wilbert o Madam Inutz dahil ang may kasalanan nito ay ang PBB management, dahil pinayagan ang tinatawag na unli voting.

Narito ang ilan sa mga reaksyon at komento ng mga netizen:

Singer Olivia Rodrigo at boyfie, spotted daw sa Intramuros?

"This will not end my love for PBB but expect the backlash of the people in the career of Wilbert and his talents, and I am ready to be a basher."

"Bakit kayo nagagalit kay Wilbert? Who constructed the voting process in the first place? It wasn't him who decided how the voting process will go. It was the MANAGEMENT. Blame the management, not the supporters."

"I hope Wilbert as a manager will realize how this will affect Madam Inutz once her PBB journey ends. She’s not saved by the people. She’s still there because of a person. You can't be proud of this. Especially Madam Inutz believes in the power of the taong bayan. She always says it."

"Lets see who will win - Madam Inutz and Sam sponsor (Wilbert) or Anji sponsor. Labanan ng sponsor na! But my heart still goes to Alyssa Valdez. Rooting for her since day 1. I'm still hoping the winner will be based sa mga ginawa, nagawa sa loob ng BNK at hindi dias dias."

"Bakit parang kasalanan bumoto nang malaki? Bakit parang kasalanang may pera ka at may kakayahan kang bumoto para sa gusto mo? Bakit parang kasalanan mong ganon ang mechanics ng laro?"

"Morals, girl. Nawawala essence ng PBB sa ginawa niya… kung ikaw ba matutuwa ka na sinalba ka ng isang tao lang para manalo? Buong Pilipinas iba binoboto pero ikaw mananalo dahil sa isang tao. Kung ikakatuwa mo 'yun, okay… but majority of the people won't be happy about it."

Samantala, dumepensa naman si Wilbert Tolentino sa kaniyang Twitter account.

"Congrats sa Big 5 - Alyssa, Brenda, Anji, Samantha & Madam Inutz. Ok na ako pumasok sa singko ang madam natin. Bonus na lang kung napili pa siya sa TOP 2. Thank you, Lord!" pahayag ni Wilbert sa isang tweet.

Pagkatapos ng tweet na iyon ay nagsunod-sunod na ang batikos sa kaniya, kaya naman ipinagtanggol na rin niya ang kaniyang sarili.

Screengrab mula sa Twitter/Wilbert Tolentino

"Alien ba ako? FYI taong bayan din ako at nagbabayad ng buwis, botante at tumutulong ako sa taong nangangailangan, may ambag ako sa lipunan. Kindly check my bio - PAUL HARRIS FELLOW po ako, meaning international highest donor po ako kahit hindi pa ako influencer. Ano kinakahol nyo?"

"Wala ako tinatapakan na tao. Nagngingitngit lang kayo dahil di napasok ang manok n'yo? Kasalanan ko ba 'yun? Eh parehas lang naman tayo sumusunod lang sa mechanics. Daig pa kayo sa askal kung kumahol. Acceptance is the key to move on!!"

"Lahat ng housemate may sponsor noh… tapos ako pinupuntirya n'yo. Bakit? Kasi kilala ako at yung mga sponsor ng housemate hindi n'yo isa-isahin. Joining this kind of competition you win some, you lose some! Kaya mabigat ang buhay at saksakan kayo ng problema dahil sa pag-uugali n'yo."