Pinuna ng mga magulang ng Maguad siblings ang Instagram post ni Anne Curtis tungkol sa kanyang paninindigan na huwag babaan ang criminal age responsibility. 

Sa 2019 Instagram post ni Anne Curtis, isang UNICEF Goodwill Ambassador, hindi siya pabor sa pagbaba ng criminal age of responsibility sa siyam na taong gulang. Bagkus ay sinusuportahan niya ang ganap na implementasyon ng kasalukuyang batas na RA 9344 o Juvenile Justice and Welfare Act of 2006 na nagtatakda na ang pinakamababang edad ng criminal liability ay 15 taong gulang.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

"I stand with them for NOT lowering the criminal age of responsibility but instead supporting the full implementation of the current law of the Juvenile Justice and Welfare Act," ayon sa post ni Anne Curtis noong 2019.

"I understand that there are those who see differently but if you could only try and discern that they are STILL CHILDREN, are victims of their circumstance and are still young enough to change their ways," dagdag pa niya.

"Instead of being penalized, they should have access to proper rehabilitation - where they can be properly cared for to understand what they may have done wrong, learn to change their ways and be given a second chance at life," paglalahad pa niya.

Gayunman, hindi nagustuhan ni Lovella, ina ng magkapatid na Maguad, ang naging pahayag ng aktres.

"You don't live in a real world Ms. Anne. What you know is Children are as adorable and innocent as you're daughter same as ours. You know nothing of the many instances/incidents how other children could be of the worst," panimula ni Lovella.

Ayon kay Lovella, hindi isang pelikula umano ang buhay na hindi na umanong pwedeng ulitin pa.

"You are rich and exposed to a movie like character. Life isn't a movie ..there's no take two or three when you're not able to do it right. You'll understand what I am trying to figure out when you're adorable n innocent daughter will be one of the victims of these instinctive criminals whom you called as children in conflict with the law. I'll deal with you when I'll be winning myself/sanity again," aniya.

"Look at my promising daughter n son...They're not children of a popular or rich actress/people like you or influential politician but children of common members of the society who are trying to contribute something better n making a difference in the society, taxpayers who have been genuinely touching more lives more than you," paglalahad pa ni Lovella.

Nagsalita rin ang ama na si Cruz Maguad sa naturang post ni Anne Curtis.

Pinapapunta ni Cruz ang aktres sa kanila at mag-imbestiga tungkol sa nangyari sa kaniyang dalawang anak.

"Anne curtis nagsusumamo ako sa yo...pumunta ka dito sa amin at mag imbistiga about my children.alam ko nagsisimba ka rin, kaawaan mo naman ang mga anak namin.alam kong naniniwala ka rin kay god. hihintayin mo pa bang mangyayari din sa anak mo ang nangyari sa mga anak namin?" ani Cruz.

"Imbis na tulungan mo kami, mukha atang pinapanigan mo pa ang kriminal? naging fans mo kami sa showtime, iilan kami sa nagpasikat ng programa ninyo sana naman this time damayan mo naman kami sa trahedyang ito sa aming buhay. patnubayan nawa kayo ng maykapal," dagdag pa niya.

Samantala, wala pang pahayag si Anne Curtis tungkol sa mga naging saloobin nina Lovella at Cruz Maguad.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/12/25/ama-ni-janice-pinaghihinalaang-may-kinalaman-sa-pagpatay-sa-maguad-siblings/