Magkasamang ipinagdiwang ng 'tambalang kakabog sa KathNiel' na sina Cherry Pie Picache at Edu Manzano, ang Kapaskuhan batay sa Instagram post ng batikang aktres.

"Dahil pag-ibig ang kulay ng Pasko!!! Mula sa aking mga pamilya, Isang Maligaya at Mapagpalang Pasko!!!" saad ni Cherry Pie sa kaniyang Instagram post noong Disyembre 25.

Kalakip ng IG post ang mga litrato nila ng kaniyang pamilya, at syempre, present ang jowang si Edu Manzano.

Doc Willie Ong, na-touch sa mensahe ni VP Sara sa kaniya

Cherry Pie Picache at Edu Manzano (Larawan mula sa IG)

Sa Instagram post naman ni Edu nitong Disyembre 26, makikitang tila nakasakay siya sa isang kotse, at ito ay kotse ng kaniyang jowang si Cherry Pie. Pabiro niyang inilarawan ang kaniyang facial expression sa tuwing 'nakasakay siya kay Cherry Pie'.

"Ito ako kapag nakasakay sa kotse ni Pie Picache at siya ang nagmamaneho!! Nagdadasal at mangiyak-ngiyak pa!!!! @yescppicache #dyuskopo #watchoutwatchout #prayforme," saad ni Edu.

Edu Manzano (Larawan mula sa IG)

"Sobra naman!" pabirong komento ni Cherry Pie.

Kinilig naman ang mga netizen sa kulitan ng love birds.

"Ganoon po ba kabilis si Ms. Pie mag-drive? Ingat po kayo! Bagay-bagay!"

"@yescppicache ingatan ninyo po si Daddy Edu Mommy Pie hehehehehe, @realedumanzano kakulit ni daddy di pa nag-start kinakabahan na."

"So kiliiiiiig!!!"

"Nakakakilig po kayo Ms. Cherry Pie en Mr. Edu. Sana kayo na talaga panghabambuhay. Love you both en keep safe always!"

Umamin ang dalawa sa kanilang relasyon nitong Nobyembre 2021. Sinasabing nabuo ang kanilang love story sa lock-in taping ng kanilang teleseryeng 'Marry Me, Marry You' na pinagbibidahan nina Paulo Avelino at Janine Gutierrez, na napapanood sa cable at digital platforms ng ABS-CBN gayundin sa A2Z Channel 11 at TV5.

Tanggap umano ng kani-kanilang mga anak ang relasyon nila.

Masaya rin umano ang dating mister ni Edu na si Star For All Seasons at Congresswoman Vilma Santos-Recto sa relasyon nina Edu at kaibigang si Cherry Pie, bagama't inamin niya sa panayam ng anak na si Luis Manzano, na hangga't maaari ay umiiwas siyang sumagot o magbigay ng pahayag sa isyu, nang pumutok ang balita tungkol dito.