Matapang na naglabas ng saloobin sa Instagram ang inang si Maggie Wilson matapos mapagkaitang makasama ang anak nitong nagdaang Pasko.

Sa kanyang rebelasyon, tinanggihan siyang makasama ang kanyang anak nitong Christmas eve sa kabila ng naunang napagpasyahan.

Hindi man diretsahang binanggit kung sino ang nasa likod nito, matapos ang hiwalayan nila ng higit isang dekadang asawa na si Victor Consunji, ilang “cryptic” posts na rin kamakailan ang naunang ipinahiwatig ni Maggie sa parehong social media site.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/12/10/cryptic-posts-ni-maggie-wilson-umagaw-sa-atensyon-ng-netizens-ex-husband-may-nilinaw/

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Christmas Day didn’t pan out as planned. I had planned and cooked a beautiful dinner for family and friends with my son over. Unfortunately, I was denied that. Over Xmas eve and Xmas day, I was refused time with my son Connor despite an agreement being made prior. It’s been 48 hours, I didn’t get to open presents with him or even have a meal with him. This kind of situation sadly happens in “certain” families and as is seen as ‘normal,’” pagbubunyag ni Maggie sa Instagram kamakailan.

Hindi rin pinaligtas ng dating beauty queen ang mga paratang na mayroon siyang ibang karelasyon kaya nagawang iwan ang dating asawa.

“There are strong reasons why I left and if you think I left because of another guy, you have no idea,” ani Maggie.

Kagaya ng nauna niyang sinabi noon, “Those reasons will be revealed in time.”

Tiniis umano niya ang lahat sa loob ng nakalipas na tatlong buwan at ang mga nagdaang taon.

Tila hindi na natatakot si Maggie at tahasang sinabing hindi pa nakikita ng lahat ang tunay na imahe ng kanyang sitwasyon.

“I have an entire vault just filled with receipts,” pagsasaad ni Maggie.

Nauna nang itinanggi ng parehong kampo na “third party” ang naging dahilan ng kanilang hiwalayan.

Sa kabila nito, ilang usapin pa rin ang patuloy na kumalat kasunod ng mga naging makahulugang pahayag ni Maggie sa Instagram.

Sa huli, nagawa pa ring magpayo ang ina sa kapwa niyang nakararanas ng parehong sitwasyon.

“Till then, to everyone going through something similar, I have received and read all your messages, I stand with you, I feel for you, stay strong. We will get through this,” ani Maggie.

Dito rin ipinahiwatig ng ina ang tila peligrong maaari niyang kaharapin matapos ang pagsasapubliko ng kanyang saloobin.