Tuluyan nang nagtapos ang journey nina Alexa Ilacad at KD Estrada bilang housemates sa 'Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10' matapos ang naganap na double eviction sa 8th Eviction Night na naganap nitong Disyembre 27, 2021 ng gabi.

Nakakuha si Alexa ng 17.03% ng save votes, at si KD naman na ilang beses na ring nalagay sa balag ng alanganin, ay nakakuha ng 16.99%.

Screengrab mula sa Twitter/Pinoy Big Brother

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Nakaligtas naman ang mga nominadong sina Madam Inutz, Anji Salvacion, at Samantha Bernardo. Ligtas naman sa nominasyon sina Alyssa Valdez at Brenda Mage dahil sila ang nakakuha ng pinakamataas na boto mula sa 'positive nomination' na ginawa ng mga housemates.

"You have the votes of Taong Bayan and you should be proud," mensahe ng ina ni Alexa sa kaniya.

"Merry Christmas to all my loved ones. I hope you're having a happy holiday. To all my friends, family, and fans, thank you for helping me make it this far. Thank you again, Good night and Merry Christmas," saad naman ni KD sa kaniyang Twitter account.

Ihahayag na ang Big Winner sa susunod na linggo, at papasok na ang ibang housemates para naman sa adult housemates.

Mapapanood ang PBB sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z Channel 11, iWantTFC, at TFC na may 24/7 live streaming via Kumu.