"Yan."

Kagaya ng maraming netizens, isang family picture din ang ibinahagi ni Pasig Mayor Vico Sotto nitong araw ng Pasko. Hindi naman nakaligtas sa netizens ang maikli nitong caption dahilan para magkaroon ng nakakatawang interaksyon ang alkade sa Instagram.

Madalang lang mag-post kanyang Instagram account si Vico kaya't nitong pasko tila sinulit ng alkalde ang pakikipagkulitan sa netizens.

Kung ang iba'y may madamdaming caption sa social media sa kanilang mga family photo nitong pasko, hindi naman na-pressure si Vico sa kanyang wala umanong damdaming caption, makulit na paratang ng isang netizen.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Dahil dito, tila may naganap na pagpapaliwanag ang alkalde na nauwi sa kulitan online.

Family photo na ibinahagi ni Pasig City Mayor Vico Sotto sa Instagram

Maikling caption ni Vico sa nasabing IG post

Screengrab mula sa Instagram post ni Mayor Vico Sotto

Screengrab mula sa Instagram post ni Mayor Vico Sotto

Screengrab mula sa Instagram post ni Mayor Vico Sotto

Screengrab mula sa Instagram post ni Mayor Vico Sotto

Hindi rin nakaligtas ang batang karga ng alkalde. Napansin kasi ng netizens na naka-tag sa account na @goldenretrievers ang nasabing bata.

Kasalukuyang higit 100,000 na ang likes ng larawan na ito sa Instagram.