Mahal na mahal ni Kapamilya actor Enchong Dee si Kapamilya actress Erich Gonzales, bilang isang kaibigan.

Nag-guest si Enchong sa morning talk show na 'Magandang Buhay' bilang pagdiriwang sa kaniyang ika-15 anibersaryo sa showbiz. Isa sa mga nagbigay ng mensahe sa kaniya si Erich na isa sa mga una niyang nakatambal sa teleserye.

“Dearest Chong, I would like to acknowledge all the small and big things that you have done in the past for me. You have been my all-in-one, my favorite leading man, friend, support system and a lot more,” pahayag ni Erich.

“It has been a great privilege to be a part of your 15-year journey in the industry. And for the many more years that I’m sure that you’ll be a constant in. You will always have my love and support. Count on me whatever and you know that."

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Happy 15th year, Chong! Cheers to more accomplishments, future endeavors, and creating more memories with you,” pagbati ni Erich na bida sa teleseryeng 'La Vida Lena' na talaga namang inaabangan ng mga manonood.

Ano naman ang reaksyon ni Enchong sa mga sinabi sa kaniya ni Erich?

“Ang saya kasi parang kulang na lang ikasal kami pero ang sarap kapag may mga ganoong tao na tanggap ka at kahit anong mangyari, nariyan ako para sa ‘yo," sey ni Enchong.

Simula nang magkatrabaho sila sa seryeng 'Katorse' ay hindi na umano nawala ang closeness nila, kahit na naintriga pang may relasyon sila, magkaibigan lamang daw talaga ang turingan nila sa isa't isa.

Pero pagdating naman sa kaibigan na muntik nang ligawan, inamin ni Enchong na ito ay walang iba kundi si Kim Chiu. Pinagtatawanan na lamang nila ito kapag naaalala nila.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/12/23/enchong-dee-may-inamin-sinong-kaibigang-aktres-ang-muntik-ligawan/

“Alam ito ni Kim. Minsan niloloko ko nga siya, ‘Naalala mo Kim, ikaw talaga 'yung dream girl ko dati?’ Kapag ayaw niya pag-usapan, sasabihin niya ‘Enchong , huwag na. It’s 15 years ago,'" pagbabahagi pa ni Enchong.