Hindi paaawat ang kapilyuhan ng dating Hashtag member na si Nikko Natividad, at ang nasampolan nito ay ang dating kasamahan din sa Hashtag na si Ronnie Alonte.

Nitong Disyembre 26 kasi ay nag-post si Nikko ng litrato nila ni Ronnie habang magkasama sila. Makikitang nakalapat ang mga kamay nila sa isa't isa, na para bang nasa 'Boy Love' o BL Series sila.

Pilyo at 'kaberdehan' din ang caption nito.

"You teach me how to love. You teach me how to doggie. Salamat babe sa lahat. Kahit ayaw mo na inuupuan mo pa rin ako. At ikaw ang nagturo sa akin na KAPAG MAHAL MO LUNUKIN MO!! Happy anniversary, Ronnie Alonte!"

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Nikko Natividad at Ronnie Alonte (Larawan mula sa IG)

Napa-react naman dito si Ronnie Alonte ng 'Hahahahaha'.

Nagkomento rin dito ang kaibigan at kasamahan nila sa Hashtag na si Zeus Collins at ang jowa mismo ni Ronnie na si Loisa Andalio.

"Aklas ang itawag mo kay Johnleeeee," saad ni Zeus.

"Hahahahahahahaha ano tooooo," reaksyon naman ni Loisa.

Kilala si Nikko sa pagbibirong 'naughty' ngunit benta naman sa mga netizen. Nitong Oktubre 31 ay ikinasal si Nikko sa kaniyang fiancee na si Cielo Eusebio sa Nasugbu, Batangas. Kabilang sa mga dumalo sina Ronnie, Loisa, at Zeus.

Ilan pa sa mga dumalo ay ang mga kaibigang sina Wilbert Ross, Jimboy Martin, Kid Yambao, McCoy de Leon, Barbie Imperial, at Vance Larena.