Matapos ang ginawang panunupalpal ni Kris Aquino sa mga bashers at haters niya at sa kaniyang pamilya, nagpakita naman ng kanilang concern at pagsuporta ang mga kaibigan niya sa showbiz, gaya nina Angel Locsin, Pokwang, Jake Ejercito, K Brosas, at Ogie Alcasid.

Si Angel Locsin ang katandem ni Kris Aquino sa tuwing nagpapahatid sila ng tulong kapag may sakuna o kalamidad. Sa katunayan, naging hands on sina Angel at Kris sa pakikipagtulungan kay presidential aspirant Vice President Leni Robredo, sa pagsasagawa ng relief operations sa mga nasalanta ng bagyong Odette sa Negros Occidental.

Angel Locsin (Screengrab mula sa IG/kris Aquino)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

"You’re just helping ate kahit marami kaming nagsasabi na delikado sa health mo. Gusto mo makamusta nang personal ang mga tao and to make sure na makakarating sa tao talaga ang tulong. Gusto mo iparamdam na mas importante ang kalagayan nila kaysa sa comfort mo," ayon sa komento ni Angel Locsin.

"I’m so sorry to hear na may mga issue pala… gusto mo lang talagang maggive back sa mga tao. At witness ako diyan. Alam kong in pain ka ngayon at hindi nakapag-celebrate. Thank you ate. Wag ka sanang maapektuhan at magtuloy-tuloy lang dahil kailangan natin ang isa’t isa ngayon. Labyu."

Saad naman ni Kapuso comedienne Pokwang, " We love you ganda @krisaquino dito lang kami tahimik, nakikiramdam at patuloy na nagmamahal sa'yo alam mo 'yan, mas kilala ka namin at alam namin kung gaano ka kapalaban, isang mapayapa at ligtas at malusog na Pasko sa'yo at sa buong pamilya. Love you…"

Nagpadala naman ng heart emoticons si 'Marry Me, Marry You' star Jake Ejercito.

Jake Ejercito at Pokwang (Screengrab mula sa IG/Kris Aquino)

Nagpaabot naman ng pagbati ng 'Merry Christmas' sa kaniya ang comedienne-host na si K Brosas at singer-host na si Ogie Alcasid.

K Brosas at Ogie Alcasid (Screengrab mula sa IG/Kris Aquino)