Inilabas ng Queen of all Media na si Kris Aquino ang kanyang medical certificate sa Instagram nitong Disyembre 24 at ibinahagi ang kanyang kalagayan.

Sa naturang medical certificate, nakitaan siya ng "severe muscle spasms due to excessive exertion" at "outbreak of rashes" sa kanyang mukha at mga braso. Bukod dito, underweight din ang aktres.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

"Yung rashes naging malaking mga pantal na, sa mukha at braso, ang mga pasa at 1st time namin makitang ganitong klaseng manifestation ng rashes sa binti ko naman. Kamay na until now nanginginig pa rin," saad ni Kris sa caption ng kanyang Instagram post.

Ito rin ang naging dahilan kung bakit hindi siya nakapag celebrate ng Noche Buena kasama ang mga anak at ang fiance na si Mel Sarmiento. 

"I am a glass half full type of person. Yes i’m bedridden & won’t get to really celebrate Noche Buena with my 2 giants & mel (it’s okay, by January 1, 2022 complete na kami with his 2 sons); ibang level yung muscle spasms ko (nonstop pins & needles- cramps na ewan na) from my neck to the base of my spine," paglalahad ng aktres.

Ibinahagi rin niya na kahit masama ang kanyang pakiramdam ay nais niyang mapasaya ang mga taong tinutulungan nila.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/12/19/kris-aquino-non-stop-ang-pagtulong-sa-mga-nasalanta-ng-bagyong-odette/

Nitong Disyembre 21, sumama siya at ng kanyang fiance kay Vice President Leni Robredo sa Himamaylan City sa Negros Occidental upang isagawa ang relief operations para sa mga naapektuhan ng Bagyong Odette.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/12/22/kris-ibinuking-si-angel-nagbigay-po-siya-ng-%e2%82%b12m-kay-vp-leni-para-po-sa-mga-nasalanta-ng-bagyo/

"Why? ito na, BECAUSE sa kagustuhan kong ma HAPPY-yung mga talagang kailangan mapangiti kahit nung moment lang na yun, binuhat ko & personal na inabot to as many as i could @puregold_ph relief bags i put in a super rush order for…nakalimutan ko may autoimmune ako… at yung laman ng bawat supot, minimum 7-8 lbs, pero ako go lang ng go," saad niya.

"Until nabulong ko na kay mel & @narsgeraldfiel na hilong hilo at nanginginig na ko at nakakahiya kung dun pa ‘ko bumagsak," anang aktres.

"As stated in my medical certificate I have many health problems. But if the need is for us to be present while goods are being distributed nagusap na kami- si Gel muna until my doctor gives me clearance, ako yung on ground to coordinate, place, and pay for our share of the orders. i said, 'Gel, thank God they trust us' Hindi nakita sa news feeds yung mukha ng tao sa KABANKALAN at HIMAMAYLAN, Negros Occidental na kahit papaano- napaligaya ko. Sample lang ‘to," paglalahad pa ng Queen of all Media.

Samantala, pinayo ng kanyang doktor na mag full bed rest ito at iwasan ang excessive strenuous physical activity at exposure to allergens.