'Labas mga Marites!'

Sa latest TikTok post ni Ruffa Gutierrez, namataan sa Christmas eve party ng mga Gutierrez ang dating alkalde ng Quezon City na ngayo'y tumatakbong Senador sa halalan 2022 na si Herbert Bautista.

Makikita sa TikTok video na tila nag-aabutan at nagbubukas ng mga regalo ang pamilya.

Hindi naman naging ligtas sa paningin ng mga Marites ang exposure ni Herbert sa naturang video ni Ruffa.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kausap nito ang ama ni Janine Gutierrez na si Monching Gutierrez. At sa dulong bahagi naman ng video na kinalabit ni Ruffa si Herbert para tumingin sa camera.

Tanong ng mga Marites, bakit umano nandoon si Herbert Bautista.

Matatandaan na nitong Disyembre rin nang tanungin ni Jun Lalin na publicist ng mga Gutierrez si Annabelle tungkol sa dalawa, sinabi nito na magandang impluwensya naman ang dulot ni Herbert para kay Ruffa.

“Magandang influence si Herbert kay Ruffa. Si Herbert ang nagsabi kay Ruffa na dapat tapusin niya ang college, kaya nag-enroll si Ruffa. Nag-aaral siya online at next year, matatapos na”, pagbibida ni Annabelle.

“Saka ang sipag ni Ruffa sa pag-aaral. Pati sa paggawa ng mga homeworks. Tinutulungan siya ni Herbert pati sa pagre-review.”

“Alam ko kapag nagpupunta si Herbert kay Ruffa, may dala pang mga libro. Tinutulungan talaga niyang mag-aral si Ruffa. Sino ba ang hindi matutuwa? Kaya nga kami, nagsu-support talaga sa kandidatura ni Herbert sa pagka-senador!” sey pa ni Annabelle.

Bagama’t ganito ang litanya ni Annabelle, wala namang kumpirmasyon mula sa kaniya na may espesyal na romantic relationship sina Bistek at Ruffa, ayon kay Jun Lalin.

Nagkasama sina Herbert at Ruffa sa ‘The House Arrest of Us’ ng KathNiel.

Basahin:https://balita.net.ph/2021/12/04/herbert-magandang-influence-kay-ruffa-sey-ni-annabelle-rama/