Kasalukuyang humihingi ng tulong ang ama ng Maguad siblings na si Cruz Maguad sa paghahanap sa tatay ni 'Janice' dahil malaki ang paniniwala nilang may kinalaman ito sa krimen.
Sa Facebook post ni Cruz Maguad nitong Disyembre 24, nakikiusap siya sa mga Cotabatenio at iba pang kalapit na lugar na tulungan sila sa paghahanap sa tatay ni 'Janice' dahil malaki ang paniniwala nilang may kinalaman o siya umano ang utak sa pagpatay kina sa magkapatid na sinaCrizzle Gwynn atCrizville Luois Maguad.
"Nagahangyu ako sa tanan nga cotabatenio kag mga taga iban kasikbit nga probinsya nga tabangan kami sa paglocate sa father ni janice o christine/school girl kay daku amon pagtuo nga may partisipasyon sya sa krimen kag sya gid mismo ang utak sa pagplano...damo gid nga salamat sa inyong suporta n prayers. god bless you. (Nakikiusap ako sa mga Cotabatenio at ibang kalapit na lugar at baryo na tulungan niyo kami sa paghanap ng tatay ni Janice o Christine dahil malaki ang paniniwala namin na may kinalaman siya sa krimen o siya mismo ang utak o nag-plano. Maraming salamat sa inyong suporta at dasal. God bless you), ani Cruz.
"He'sknown as juanito emuelin or diosdado emuelin," ayon kay Cruz Maguad sa magkahiwalay na Facebook post.
Matatandaan na noong Disyembre 10 dakong alas-2:00 ng tanghali naganap ang krimen.
Ayon sa imbestigasyon, walang awang pinagsa-saksak at minartilyo ang mga ito.
Basahin: https://balita.net.ph/2021/12/11/2-anak-ng-principal-dedo-sa-saksak-at-martilyo/
Naging isa sa persons of interest at material witness si “Janice” dahil siya ang kasama ng mga biktima at ang tanging nakaligtas.
Noong Disyembre 16, umamin si "Janice" sa pagpatay sa magkapatid.
Ayon sa panayam ng “NewsLine Mindanao” sa ama ng mga biktima na si Cruz Maguad, sinasabi nitong inggit at selos umano ang dahilan kung bakit pinatay ni Janice ang kanyang mga anak.