Matapos ang unang hayagang harutan nina Janine Gutierrez at Paulo Avelino tungkol sa kanilang “past” sa social media kamakailan, diretsahan nang inamin ng aktres na nag-date sila ng “Marry Me, Marry You” co-star noon.

Sa guesting ni Janine sa programang "Magandang Buhay" kamakailan, natanong ng mga momshies ang dating ugnayan nila ng ngayo’y leading man niyang si Paulo.

Pag-amin ni Janine, “Yes, lumabas kami noon. A few times lang.”

Ayon sa aktres, taong 2017 pa raw ito nangyari kung saan noon ay pareho pa silang single ni Paulo.

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

Dito idinetalye ni Janine na hindi rin nagtuloy-tuloy ang kanilang ugnayan hanggang sa muli silang magsama sa isang pelikula noong 2019.

“Actually, kinakabahan ako na makikita ko siya kasi ang tagal ko nga siyang 'di nakita baka weird. Pero ‘di naman, as in parang walang nangyari--chikahan agad tas click agad ulit,” pagbabahagi ni Janine.

Nang lumipat si Janine sa Kapamilya Network, dalawang taon muli ang lumipas para sa isang proyekto, ang Marry Me, Marry You.

Ibinahagi rin ng aktres na hiniling niya noon na magkasama sila sa teleserye ni Paulo.

Sa huli, nagpalitan ng mensahe ang dalawa para sa darating na pasko.

Nagbiro pang sinabi ni Paulo na sana ay magkasama sila sa pagdiriwang nito na agad namang binawi at sinabing sana ay kasama ni Janine ang kanyang pamilya sa espesyal na araw ng Pasko.

“Excited din ako na you get to spend your time with your family ngayong pasko. Super happy ako na mace-celebrate din natin yung pasko sa Marry Me, Marry You,” tugon naman ng aktres sa mensahe ng aktor na kinakiligan ng mga host ng programa.