Namataan sa isang virtual workshop ng GMA Artist Center kamakailan ang batikang television host at public speaker na si Boy Abunda.

Sa isang online roundtable discussion na tinawag na “Breakout Room: Master Class Series”, isang hakbang ng network upang maghubog ng mga global artists, si Tito Boy nga ang umupo bilang is sa mga mentor ng ilang Kapuso stars.

Kabilang sa mga nakita sa workshop sina Derrick Monasterio, Sanya Lopez, Ysabel Ortega, Sanya Lopez, Bianca Umali, Khalil Ramos, Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Ken Chan, Rita Daniela, Sophia Senoron, Kyline Alcantara, Luane Dy, Glaiza De Castro, Barbie Forteza, Martin Javier, Jose Sarasola, Patricia Tumulak, Gil Cuerva, Ruru Madrid, Miguel Tanfelix, Gabbi Garcia, Ashley Rivera, Rocco Nacino, Arra San Agustin, Lexi Gonzales, at Rain Matienzo.

Samantala, tila naging maugong muli ang usapin nang umano’y napipintong paglilipat ng bakuran ng veteran host sa Kapuso Network.

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

Matatandaan nitong Setyembre, iginiit ni Tito Boy na solid Kapamilya pa rin ito sa kabila ng kawalan ng prangkisa ng ABS-CBN.

Basahin: Boy Abunda, nagsalita na hinggil sa network transfer: “I have been in discussion with many parties” – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Hindi naman naging malihim ito na ilang nagtatangkang magpresenta sa kanya ng ilang proyekto sa telebisyon.

“But I have been in discussion with various parties, including people who are affiliated with 7. I’ve been offered by other channels. I’ve been asked by people affiliated with TV5. I’ve been negotiating with other independent producers to do talk shows, yes,” ani Tito Boy.

Higit dalawang dekada nang aktibo sa industriya ang King of Talk.