Ipinakilala na ni Roxanne Barcelo ang kaniyang foreigner husband, at ipinasilip na rin ang hitsura ng kanilang baby, sa kaniyang latest Instagram post.
"When I prayed for happiness, the heavens blessed me with true joy and love. You are worth the wait," caption ni Roxanne sa kaniyang IG post.
"It is my honor and privilege to be your wife, Jiggs. I am forever grateful for the day you asked me to start a family with you. Thank you for your unconditional love. I love and adore you and @dababycinco with all that I am."
Ginamit niya ang hashtag na '#ThePandaFamily'.
Matatandaang hindi pa inilabas ni Roxanne sa madlang pipol ang full face ng kaniyang mister sa kaniyang mga social media posts.
Nitong Nobyembre 21, 2021, binati niya ng anniversary ang kaniyang foreigner husband at tinawag niya itong 'Mahal'.
"Happy Anniversary, aking Mahal. Thank you for the best two years of my life. You are so worth the wait. Wǒ ài nǐ," caption ni Roxanne kalakip ang mga litrato nila ng mister.
Matatandaang noong Disyembre 2020, inihayag ni Roxanne na ikinasal na siya. Hindi rin niya idinetalye kung kailan siya na-engage at kung kailan siya eksaktong ikinasal.
Isang buwan matapos ang rebelasyong kasal na siya, inihayag naman niya sa YouTube vlog entry na magkaka-anak na sila.