Magtatambal sa kauna-unahang pagkakataon sina Julia Barretto at Carlo Aquino sa pelikulang 'Expensive Candy' na reunion movie niya sa direktor na si Jason Paul Laxamana, na siyang nagdirehe ng unang pelikulang pinagsamahan at pinagtambalan nina Julia at boyfriend na si Gerald Anderson: ang 'Between Maybes' noong 2019.

Si Carlo Aquino naman na matagal nang teen heartthrob noon pa mang 90s, ay nalilinya na ngayon sa mga romantic flicks gaya ng 'Exes Baggage' katambal ang ex-girlfriend na si Angelica Panganiban, 'Meet Me in St. Gallen' kasama si Bela Padilla, at 'Isa Pa With Feelings' katambal si Maine Mendoza.

Ibinahagi ni Julia sa kaniyang Instagram post ang litrato niya na kuha sa pictorial ng kanilang pelikula ni Carlo. Daring na kasi ang role dito ni Julia.

"See you soon, candy #ExpensiveCandy," saad sa caption.

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

Napa-komento naman rito ang kaniyang boyfriend na si Gerald Anderson, na kamakailan lamang ay nakatambal naman ng rising singer-star na si Gigi De Lana.

"Halaaa…" bulalas ni Gerald na tila namangha sa kaniyang jowa. May kalakip pa itong emoticons na fire at sad face.

Julia Barretto at Carlo Aquino (Screengrab mula sa IG/Julia Barretto)

Marami naman sa mga netizen ang nagbiro na 'humanda' na raw si Julia kapag nagkita sila ni Gerald dahil tiyak na panggigigilan siya nito, in a good way.

Tanong pa ng marami, handa na ba si Julia na magpaka-daring sa mga upcoming roles niya?