Usap-usapan ngayon ang 'kuda' ng batikang showbiz columnist na si Lolit Solis sa kaniyang Instagram post kung saan sinabi niya ang common denominator na napapansin umano niya at mga followers ng love birds na sina Bea Alonzo at Dominic Roque, sa kanilang public display of affection sa social media.
Para daw kasing 'OA' na ang sweetness ng dalawa. Pang mag-asawa ang level na raw!
"Napansin din pala ng mga followers nina Bea Alonzo at Dominic Roque iyon parang OA na sweetness nila sa mga pictorial Salve. Kahit ako nagugulat na para bang mga posing na ng mag-asawa ang ginagawa ng dalawa," ani Manay Lolit sa kaniyang IG post.
"Meron pa nga silang isang photo kung saan nakahiga si Dominic at nasa tabi niya si Bea na naka shorts na kung malisyosa ka iisipin mo na meron silang ginawa bago nag pictorial. Para ngang medyo very daring iyon mga photos nila together," dagdag pa.
Para daw nais ipakita ni Bea sa lahat na naka-move on na siya sa relasyon nila ni Gerald Anderson. Para umanong 'nagagamit' nang husto si Dominic, which is unfair daw para sa jowa niya. Nakakabigla raw si Bea ngayon, o baka naman ito raw ang tunay na Bea?
"Meron ka ngang parang maiisip na para bang gusto lang ipakita ni Bea Alonzo kay Gerald Anderson na naka-move on na siya sa ghosting nito. At para naman very unfair kay Dominic na nagagamit siya kung tutoo nga ito. Para kasing hindi usual Bea iyon nakikita mo sa mga pictorial ngayon, or baka ito naman ang tunay na Bea, very passionate at touchy."
Sabi pa ni Lolit, mukhang mas 'wild' pa raw si Bea kaysa kay Julia Barretto na kasintahan ngayon ni Gerald, at siyang itinuturong puno't dulo ng kanilang hiwalayan noon. O kaya naman daw, baka mas mukhang showy at wild lang si Dominic kaysa kay Gerald.
"Hindi rin natin alam dahil pictures can say a thousand words di ba! Bongga nga, mas parang wild pa si Bea Alonzo kay Julia Barretto, hah hah, or hindi lang showy si Gerald Anderson at mas wild si Dominic Roque! Bongga!"
Samantala, wala pa namang reaksyon o komento rito ang mga nabanggit na pangalan ni Lolit Solis.