Hindi raw naniniwala ang batikang showbiz columnist na si Cristy Fermin sa 'prank' o playtime lamang ang sweetness na ipinakita nina Allan K at Ahron Villena, habang sila ay nakabakasyon sa Boracay kasama ng iba pang mga circle of friends ng komedyante.

Kamakailan kasi ay ibinahagi ni Allan K sa kaniyang Instagram post ang mga litrato nila ni Ahron Villena, ngunit sa bandang huli ay sinabi nila na prank lamang ito.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/12/18/allan-k-at-ahron-villena-may-espesyal-na-pagtitinginan/

Sey naman ni Cristy, sa December 20 episode ng 'Cristy Ferminute', "Tantanan ako ng dalawang baklang 'yan, at baka pagbuhulin ko sila, 'di ba, hoy mga bakla, lokohin n'yo na ang iba huwag lang kami…"

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/12/22/cristy-duda-sa-prank-nina-allan-k-at-ahron-tantanan-ako-ng-dalawang-baklang-yan/

"Unang-una, sasama sa inyo si Ahron Villena sa Boracay, eh hindi n'yo naman siya ka-close, hindi n'yo siya katropa… oh kailan naisulat na kabarkada niya si Allan K at Paolo Ballesteros? Wala!" dagdag pa ni Cristy.

"Hindi totoo 'yan, hindi totoong prank 'yan… meron 'yan, tantanan n'yo kami. Hindi kami ipinanganak kahapon."

Kahit daw magalit pa sa kaniya si Allan K ay wala raw siyang pakialam. Kilala raw niya si Allan K na kapag natunugan nitong game ang lalaki, 'why not coconut' na rin ito.

At dito na nga naungkat naman ni Cristy ang pagiging 'mapagpatol' umano ni Ahron. Nilinaw ni Cristy na kasama ang hunk actor sa listahan ng mga 'mahal' niya sa showbiz, subalit hindi niya gusto ang mga ginagawa nito.

"Itong Ahron Villena na ito, hindi lang naman ngayon 'yan eh, ang dami-daming nali-link sa kaniya na pinapatos niya, mga rich gay… businessmen. Pupunta sila sa ibang bansa, picture-picture sila kunwari magkahiwalay, iisa naman ang background. So, sino ang niloloko mo, eh 'di kayo lang!"

"Ang dami-daming niyang ginagawa na… ewan ko ba kung saan niya pinag-aapuhap 'yang mga ganyan niyang ginagawa… 'di ba…" giit pa ni Cristy.

Sinita rin ni Cristy ang mga 'daring photos' na laging ibinabahagi ni Ahron sa kaniyang social media accounts, partikular sa Instagram. Ano raw ba ang tunay na motibo nito? Tinanong pa niya si Romel Chika na kaniyang co-host bilang 'gay' kung ano ang mensaheng nais iparating nito.

"Hay naku 'Nay, panti-tease 'yun, teaser 'yun… pang-aakit! Nagbabaka-sakali! Nagbabaka-sakali na…" sabi ni Romel Chika.

Na dinugtungan naman ni Cristy, "Na may makakakita? Kokontakin?"

Bukod kay Ahron, ibinuking din ni Cristy na binibigyan noon ng sapatos ni Allan K ang dating mister ni Kris Aquino, na si James Yap.

Samantala, wala pang reaksyon o komento ang aktor na si Ahron Villena, patungkol sa pasabog ni Cristy.