Agad na nag-viral ang kauna-unahang TikTok video entry ni Kapamilya actor Joshua Garcia na inupload niya nitong Disyembre 20.

Makikitang naghahand-moves si Joshua sa saliw ng awiting 'Ginseng Strip 2002' ni Yung Lean. Sa bandang dulo, makikita ang kaniyang pagtawa na talaga namang nagpakilig sa mga netizen.

Narito ang ilan sa mga reaksyon at komento ng mga netizen:

"Ano ba 'yan Joshua, kinuha mo ang puso ko!!!"

Netizens nanggigil sa bortang katawan ni Sam Concepcion; tinawag na ‘daddy’

"More of this, Josh. Pampa-good vibes sa umaga!!!"

"Kung ako lang si Julia, hindi ko na kailangang pumila. Pero syemre, Juliang matino ako.”

"Sorry na lang sa mga nang-iwan. Jusko Lord, Joshua!"

Screengrab mula sa TikTok/Joshua Garcia

Samantala, may mga netizen naman na nakapansing si Joshua Garcia raw ay pinagsamang Alden Richards at John Lloyd Cruz pagdating sa looks at acting prowess. Kahit na iniwan na raw ni JLC ang ABS-CBN, nariyan na umano si Joshua na posibleng pumalit na sa iniwan niyang trono sa naturang network.

Muli na namang umaariba ang showbiz career ni Joshua. Mula 2020 hanggang kalagitnaan kasi ng 2021 ay medyo nanahimik siya, ngunit nitong Nobyembre ay muli na siyang nasilayan sa teleseryeng 'Viral Scandal' na napapanood mula Lunes hanggang Biyernes ng gabi sa mga online platforms ng Kapamilya Network, A2Z, at TV5.

Siya rin ang leading man ni Jane De Leon sa upcoming fantasy-action-drama series na 'Mars Ravelo's Darna: The TV Series'. Kamakailan lamang ay kinakiligan si Joshua nang i-cover up niya si Jane sa wardrobe malfunction nito sa ginanap na ABS-CBN Christmas Special noong Disyembre 18.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/12/19/jane-de-leon-pinasalamatan-si-joshua-garcia-mga-netizen-kinilig/