Hiniling ng Kamara sa Duterte administration na huwag munang ituloy o i-defer muna ang 'no jab, no job' policy sa mga on-site workers dahil sa kahirapan sa buhay at umiiral na pandemya ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Paliwanag ni House committee on labor sa pamumuno ni 1-Pacman Party-list Rep. Eric Pineda, dapat nang gumawa ng hakbang ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) upang masuspindi muna ang Resolutions 148-B at 149 habang nakabinbin a sa hukuman ang legalidad nito.
“I am hoping that the IATF will find it in their heart to suspend the ‘no jab, no job’ policy. Let’s be considerate of our workers, especially this holiday season when people need work more than ever,” pahayag ni Pineda.
Naisampa na sa korte ang dalawang resolusyon na humihiling na mag-isyu ito ng isang Temporary Restraining Order (TRO) owrit of preliminary injunction.
Iginiit ng kongresista na dapat rebisahin ng IATF-MEID ang polisiya nito upang masiguro na mapoprotektahan ang karapatan ng mga manggagawa.
Bert de Guzman