Mukhang hindi naniniwala ang showbiz columnist na si Cristy Fermin na 'prank' lamang ang ipinakitang sweetness nina Allan K at Ahron Villena, na kamakailan lamang ay naging usap-usapan.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/12/18/allan-k-at-ahron-villena-may-espesyal-na-pagtitinginan/">https://balita.net.ph/2021/12/18/allan-k-at-ahron-villena-may-espesyal-na-pagtitinginan/

Ayon sa radio program niyang 'Cristy Ferminute' kasama si Romel Chika, malakas ang pakiramdam niyang totoo ito.

"Tanungin mo ako kung naniniwala ako, Romel," utos ni Cristy sa kaniyang co-host.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

"Ikaw 'Nay, naniniwala ka ba na playtime lang lahat-lahat nang nakita natin?"

Sagot ni Cristy habang natatawa, "Tantanan ako ng dalawang baklang 'yan, at baka pagbuhulin ko sila, 'di ba, hoy mga bakla, lokohin n'yo na ang iba huwag lang kami…"

At ipinaliwanag ni Cristy ang kaniyang mga dahilan kung bakit niya naisip na hindi ito isang prank lang.

"Unang-una, sasama sa inyo si Ahron Villena sa Boracay, eh hindi n'yo naman siya ka-close, hindi n'yo siya katropa… oh kailan naisulat na kabarkada niya si Allan K at Paolo Ballesteros? Wala!" dagdag pa ni Cristy.

"Hindi totoo 'yan, hindi totoong prank 'yan… meron 'yan, tantanan n'yo kami. Hindi kami ipinanganak kahapon."

Ayon pa kay Cristy, 'mapagpatol' umano talaga si Ahron Villena.

"Itong Ahron Villena na ito, hindi lang naman ngayon 'yan eh, ang dami-daming nali-link sa kaniya na pinapatos niya, mga rich gay… businessmen. Pupunta sila sa ibang bansa, picture-picture sila kunwari magkahiwalay, iisa naman ang background. So, sino ang niloloko mo, eh 'di kayo lang!"

At nagpatuloy pa si Cristy.

"Alam mo naman si Allan K, magaling ding sumisid sa isyu 'yan… 'di ba… kapag nalaman niyan na game ang lalaki, why not coconut, 'di ba?"

"True," pagsang-ayon naman ni Romel.

"Magalit ka na sa akin Allan K, magtampo ka na hanggang sa gusto mo, wala akong pakialam… pero hindi ako magpapaloko sa'yo, 'di ba, lalo si Ahron… mahal ko si Ahron, mahal na mahal ko si Ahron, kasama siya sa listahan ng mga mahal kong artista, pero hindi ko gusto yung ginagawa niya."

Samantala, wala pang reaksyon o tugon dito sina Allan K at Ahron Villena.