LA TRINIDAD, Benguet – Ikinasa ng Police Regional Office-Cordillera (PROCOR) ang "Oplan Binnadang" sa pamamagitan ng relief operations upanng tulungan ang mga biktima ng bagyong Odette sa Visayas at Mindanao.
Ang ‘Binnadang’ ay isang kultura o kaugalian ng mga Cordilleran, samantalang sa mga lowland naman ay tinatawag itong ‘Bayanihan’ kung saan ipinakikita ang diwa ng pagkakaisa at pagtutulungan ng bawat-isa sa panahon ng kagipitan.
Sa pamamagitan ng "Oplan Binnadang," katuwang ng PROCOR ang kanilang mga partner stakeholders upang lumikom ng mga donasyon para sa mga biktima ng nasabing kalamidad.
Sa simpleng send-off ceremony nitong Disyembre 21, sinabi ni PROCOR Regional Director BGen.Ronald Oliver Lee, sa unang bugso ng relief operation ay dalawang truck na lulan ang mga assorted goods ang inisyal na ipapadala sa lalawigan ng Cebu at Bohol.
Ang mga assorted relief goods na may kabuuang halagang₱539,828.00 ay kinabibilangan ng bigas, canned goods, groceries, drinking water, vegetables at mga non-food items, gaya ng kitchen utensils, toys, bags, at mga damit.
Nilinaw ni Lee, ang mga iba pang nakakalap na donasyon mula sa mga Police Provincial Offices at City Police Office, maging sa mga private sector ay inihahanda para sa next batch ng relief operations.
“We are deeply saddened by the widespread devastation and the loss of lives caused by the typhoon. We hope that in the midst of the great sorrow and pain, they will find comfort in the fact that millions of people, including our PROCOR cops family, are in solidarity with them,” pahayag pa ng opisyal.
Zaldy Comanda