Nanguna ang Pilipinas sa listahan ng mga bansa na mayroong pinakamahabang oras sa panonood ng porn, ayon sa online porn site na Pornhub sa 2021 Year in Review report nito.

Sa ulat ng Pornhub noong Disyembre 14, ang mga Pilipinong bumibisita sa naturang website ay gumugol ng halos 11 minuto at 31 segundo, tinalo nito ang iba pang mga bansa katulad ng Japan na pumapangalawa sa 10 minuto at 3 segundo, France (10 minuto at 2 segundo), Netherlands (9 minuto at 59 segundo), at Ukraine (9 minuto at 53 segundo).

“This year, the Philippines tops the list of the longest lasting countries at 11 minutes 31 seconds. Japan is the only Top 20 country with an increase in viewing time (+12 sec) making it the second longest lasting country at 10 minutes 3 seconds,” anang Pornhub.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo

Photo courtesy: Pornhub

Sa tuntunin ng traffic sa porn site, ika-siyam ang Pilipinas, nanguna ang Estados Unidos, pangalawa ang United Kingdom, pangatlo ang Japan, pang-apat ang France, ang Italy ay panglima, ang Mexico naman ay pang-anim, pangpito ang Canada, at pang-walo ang Germany.

Photo courtesy: Pornhub

Hindi ito ang unang pagkakataon na nanguna ang Pilipinas sa matagal na oras sa panunuod ng porn. Noong 2017 at 2018, dalawang taon na nanguna ang mga Pilipino sa may mahabang oras ng panunuod ng porn.

Samantala, ibinigay rin ng Pornhub ang in-depth look ng statistics ng bansa, ipinakita na ang keyword na 'pinay' ang nananatiling most searched entry sa bansa, sinundan ng 'hentai' o anime porn, sumunod ang 'japanese', 'pinoy', 'korean', 'asian',‘japanese uncensored’, ‘japanese wife’, ‘anime’, at ‘lesbian’.

“The most searched term in the Philippines continues to be ‘pinay’, while several other terms appeared in the top 10 for the first time including ‘korean’ (+9), ‘asian’ (+23) and ‘anime’ (+12),” ayon sa Pornhub.

Photo courtesy: Pornhub

“2021’s trending searches include a +460% increase for ‘threesome pinay’, +345% for ‘hentai anime’ and +316% for ‘Rule 34’. Compared to the rest (of) the world, visitors from the Philippines are +286% more likely to view the Hentai category, +134% more into Romantic videos and +111% more into Cartoon,” dagdag pa nito.

Ang adult actress na si Lexi Lore ang nananatiling top searched pornstar sa bansa na sinundan ni Lana RHodes,Eva Elfie, Johnny Sins, at Mia Khalifa. Ang top catergory naman ay hentai na sinundan ng Japanese, Popular with Women, Lesbian, at Asian.