Pinasalamatan ng Philippine Coast Guard si Auxiliary Commander Gerald Anderson sa kaniyang personal na donasyon para sa mga biktima ng bagyong Odette, na ipamamahagi sa mga naapektuhang pamilya sa Western Visayas at Northeastern Mindanao.

Mga sako-sakong bigas at bottled water ang ibinigay ni Gerald na tiyak na kailangang-kailangan ngayon sa mga nasabing lalawigan.

"MARAMING SALAMAT, AUXILIARY COMMANDER GERALD ANDERSON!," ayon sa Facebook post ng Philippine Coast Guard sa kanilang official FB page nitong Disyembre 20.

Pelikula

Pelikula nina Zanjoe, Daniel made-delay?

Screengrab mula sa FB/Philippine Coast Guard

"Kahapon, ika-19 ng Disyembre 2021, personal na hinatid ni Auxiliary Commander Gerald Anderson ng Philippine Coast Guard Auxiliary (PCGA) ang unang bahagi ng kanyang donasyon para sa apektadong pamilya ng Bagyong #OdettePH. Agad na isinakay ang saku-sakong bigas at kahung-kahong purified drinking water sa BRP Gabriela Silang (OPV-8301) na biyaheng Western Visayas at Northeastern Mindanao."

"Nagpasalamat sina PCG Deputy Commandant for Operations, CG Vice Admiral Eduardo D Fabricante at Task Force Kalinga Commander, CG Rear Admiral Ronnie Gil L Gavan sa mabilis na pagresponde ni Auxiliary Commander Anderson sa panawagan ng PCG para sa karagdagang donasyon tungo sa agarang rehabilitasyon ng mga komunidad na lubos na napinsala ng nagdaang kalamidad."

"Ang relief transport mission ng BRP Gabriela Silang (OPV-8301) ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na gamitin ang lahat ng assets at resources ng pamahalaan para makatulong sa pagbangon ng mga pamilyang nabiktima ng Bagyong Odette."

Maipapaabot ang mga donasyon ni Gerald para sa mga apektadong pamilya, partikular sa mga residente ng Surigao City at Dinagat Islands.

May be an image of 2 people, people standing and outdoors
Larawan mula sa FB/Gerald Anderson

May be an image of 8 people and people standing
Larawan mula sa FB/Gerald Anderson

May be an image of 5 people and people standing
Larawan mula sa FB/Gerald Anderson

May be an image of 10 people, people standing and outdoors
Larawan mula sa FB/Gerald Anderson

No photo description available.
Larawan mula sa FB/Gerald Anderson

No photo description available.
Larawan mula sa FB/Gerald Anderson

Inisyal na tulong pa lamang daw ito ng Kapamilya actor at may mga susunod pang darating.

Bukod kay Gerald, nanawagan din ng tulong ang jowa niyang si Julia Barretto, na Auxiliary Ensign naman ng PCGA.

“Narito po kami para kumakatok po sa inyong mga puso para sama-sama nating matulungan ang ating mga kababayan na naapektuhan ng bagyong Odette."

“Sa mga susunod na araw, babyahe po papuntang Surigao del Norte at Visayas ang mga barko ng Philippine Coast Guard para maghatid ng iba’t ibang pangangailangan sa mga naapektuhan na pamilya."

“Nananawagan po kami sa mga nais na maghatid ng tulong, in kind man o cash donations, bukas po ang Philippine Coast Guard,” sabi nina Gerald at Julia sa isang video na ibinahagi ng PCGA.