Sinagot ni Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez ang tanong sa kaniya sa panayam ng batikang broadcaster na si Karen Davila, kung nagdalawang-isip ba siyang aminin at ilantad sa publiko ang pagiging bisexual niya.

Sagot ni Bea, it's a no. Sinabihan umano siya ng pamunuan ng unang national pageant na nilahukan niya na itago muna ang tunay niyang sekswalidad at burahin ang mga larawan nila ng dating jowang si Kate Jagdon, na nakabalandra sa social media accounts niya.

Hindi umano niya pinansin ang mga payo nila lalo't wala naman umano itong kaso sa pagiging kandidata niya. Isa pa, mas okay raw kung sa una pa lamang ay magpapakatotoo na siya. Hindi naman daw yata tama na may itinatago pa siya, gayong mas magkakaroon pa ng problema kung itatago ito at sisingaw pa sa publiko.

Isa pa, wala raw siyang nakikitang dahilan para ikubli ang tunay niyang sekswalidad. Isa rin umano ito sa mga dahilan kung bakit siya sumali sa beauty contest: upang marinig ang tinig ng mga miyembro ng LGBTQIA+ community.

'Dao Ming Si' ng Las Piñas City, may mensahe sa mga nalito

“And I felt that it was wrong. That it was not right to be in a competition not being myself.

“So, when I had that chance to be in Binibining Cebu, and I won the competition, I really used that platform to represent the LGBTQ community."

“It was something that I had to do, not only for myself, but for the rest of the community."

Sa Binibining Cebu pa lamang ay hayag na ang pagiging bisexual niya, subalit hindi naman ito nakaapekto sa kaniya. Siya pa nga ang nakasungkit ng korona, hanggang sa sumali na siya sa Miss Universe. at siya na nga ang itinanghal na Miss Universe Philippines 2021 na ginanap noong Setyembre.

Wala raw dapat ikahiya at itago dahil tanggap na tanggap siya ng ina at mga kaibigan.

“I believe I got this courage from my mom, who taught me to really be myself, to fight for the things that I believe in."

“She raised me and my sister single-handedly. She received a lot of discrimination because she’s a single mom, and I learned from her to be brave."

“As long as wala kaming inaapakan na tao, as long as you’re able to love other people and not hurt them. You have to really stand for what you believe in and I got that from my mom."

“I was very fortunate na I didn’t have to come out to anyone. When I said to my mom na I have this preference to be with the same sex, she accepted me. So did everybody else."

Kaya naman, nakatulong talaga sa kaniya na ayusin ang mga performance niya dahil alam niyang tanggap siya ng mga significant person sa buhay niya.