Binuksan ng Xavier University (XU) – Ateneo de Cagayan ang main campus nito sa Divisoria upang mabigyan ng kanlungan ang 25 pamilya sa tatlong barangay sa lungsod sa gitna ng pananalasa ng Bagyong Odette.
Sa pangunguna ni Director for Student and Advocacy Program Nestor Banuag at Central Student Government Andre Robert Daba, nagbigay ng food packs at bottled water ang mga volunteers ng Xavier Ateneo sa pakikipag-ugnayan sa City Social Welfare and Development.
Nagdulot ng matinding pinsala ang Bagyong Odette sa Visayas at Mindanao.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, mahigit 1.8 milyong tao ang apektado ng epekto ng pinsala ng bagyo sa pag-uulat.
Sa pinakahuling ulat ng awtoridad, umabot na sa 208 ang mga naiulat na nasawi sa paghagupit ni Odette.
Ilang ulat ng mga nasawi ang naitala sa isla ngGuimaras, Negros Occidental, Southern Leyte, Bukidnon provinces, Iloilo, Cebu, at Lapu-lapu.
Gabriela Baron