Mukhang may bago na naman umanong leading lady ang isa sa mga A-listers na Kapamilya leading man na si Gerald Anderson, matapos makatambal si Gigi De Lana!

Ito ay ang tinaguriang 'Reyna ng YouTube' na si Ivana Alawi, na matagal nang pumirma ng kontrata sa ABS-CBN at gagawa ng teleserye subalit naudlot ito dahil sa pandemya.

Ngunit nito lamang Disyembre 19 ay nasabik ang mga tagahanga at tagasubaybay ng number #1 vlogger sa bansa nang mag-post siya sa Instagram ng kaniyang litrato, na may caption na 'New teleserye soon' na may heart emoticons na simbolo ng kulay ng ABS-CBN.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Ivana Alawi (Screengrab mula sa IG/Ivana Alawi)

Usap-usapan na ang makakatambal niya rito ay si Gerald Anderson. Wala pa mang malinaw na detalye ay nagpaabot na ng pagbati ang mga followers niya.

"Congratulations on your new teleserye Miss I! ILY!!! In the spirit of the holidays, you SLEIGHED! haha @ivanaalawi Thank you."

"Que Linda!!! #StayBrilliant our dearest @ivanaalawi congratulations on your newest teleserye!"

"Can’t wait for your teleserye, Congratulations in advance!"

Samantala, may mga netizen din na nagbiro na 'kabahan' na raw ang girlfriend ni Gerald na si Julia Barretto, na umaarangkada rin ang showbiz career ngayon at gumagawa ng pelikula katambal si Carlo Aquino.

"Goodluck sa'yo Julia, ang ganda at sexy pa naman ni Ivana."

"Naku Ivana, huwag na huwag kang papabudol kay Budoy ha? Kapit lang!"

"Naku eto na talaga! Julia jusko huwag kang magkakape huh baka kabahan ka."

Biro lamang naman iyan ng mga netizen, dahil going stronger pa rin ang relasyon nina Gerald at Julia.