Tinanggal na rin ni Metro Manila Police chief Maj. Gen. Vicente Danao, Jr. sa puwesto si Taguig City Police Sub-Station 1 commander, Maj. Nimrod Balgemini dahil sa command responsibility matapos idawit ang apat na tauhan nito sa pagtangay umano ng ₱30 milyon sa isang Japanese at partner nitong Pinay sa Pasig City nitong Sabado ng madaling araw.

Paliwanag ni Danao, ito ay upang hindi maimpluwensiyahanni Balgeminiang isinasagawang imbestigasyon sa kasong kinakaharap ng apat pulis nito na sinaS/Sgt. Jayson Bartolome; Cpl. Merick Desoloc; Cpl. Christian Jerome Reyes;at Pat Kirk Joshua Almojera.

Bukod sa apat na pulis, nasa kustodiya na ng Pasig City Police ang kasabwat ng mga ito na si AJ Mary Agnas, 22, dalaga, taga-Brgy. Fort Bonifacio, Taguig City at staff ng mag-partner na complainantna sina Kani Toshihiro, 42, at Joana Marie Espiritu, 26, kapwa taga-Sta. Elvira, Brgy. Kapitolyo, Pasig.

Matatandaang pinasok umano ng pitong lalaki, kabilang ang apat na pulis, ang bahay ng dalawang complainant kung saan tinangay umano ang₱30 milyong cash.

Metro

College student na suma-sideline bilang rider para sa pamilya, patay sa pamamaril

Gayunman, nahabol sila ng mga awtoridad habang tumatakas kaya nagkaroon ng sagupaan na ikinasawi ng isa nilang kasamahang si John Carlo Atienza, 30, taga-No. 128, Zone 2, Brgy. Fort Bonifacio, Taguig City.

Naaresto ang limang suspek sa ikinasang hot pursuit operations, gayunman, nakatakas ang dalawa pa na sina Ferdinand Fallaria na tinanggal sa serbisyo bilang pulis, at Rowel Galang.

Bella Gamotea