CEBU CITY – Isang pamilya na may 13 miyembro sa bayan ng Alcoy ang kabilang sa mga nasawi sa paghagupit ng Bagyong Odette sa katimugang bahagi ng Cebu nitong Huwebes ng gabi, Disyembre 16.

Nasawi ang mga biktima matapos tangayin ng rumaragasang tubig ang kanilang tahanan, ayon kay Gobernador Gwen Garcia nitong Lunes, Disyembre 20.

Gov. Gwen Garcia

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

“They lived in an area that was a long, dried-out creek. There was no water for many, many years and because of the typhoon, water suddenly rose,”ani Garcia.

Nitong Lunes, Disyembre 20, nasa 76 na ang bilang ng mga nasawi sa lalawigan dulot ng pananalasa ni Odette.

Ang iba pang namatay na naiulat sa lalawigan ay mula sa mga katimugang bayan kabilang ang Badian (8), Alegria (7), Aloguinsan (6), Dumanjug (5), Argao (2), Barili (2), Moalboal (2), at Pinamungajan (1).

Isinailalim na sa state of calamity ang lalawigan ng Cebu dahil sa malawakang pinsalang iniwan ng bagyo.

Isa sa mga matinding tinamaan ay ang Malabuyoc, na hiwalay sa lalawigan matapos gumuho ang isang tulay na nag-uugnay sa bayan at Ginatilan.

Nasira rin ang isang circumferential road na nagdudugtong sa Alegria at Malabuyoc.

Sinabi ni Garcia na nakakontrata na ang lalawigan ng roro para magdala ng mga pangunahing pangangailan sa bayan.

“They are running out of supply there,” ani Garcia.

Magdadala ang roro ng bigas, gasoline, tubig at assorted good na ipamamahagi sa mga apektadong pamilya sa bayan, ani Garcia.

Calvin Cordova