Kinakiligan ng mga netizen ang litrato nina Kapamilya heartthrob Piolo Pascual at Kapuso star Bianca Umali habang magkasama sa isang event. Tanong ng marami, anong meron? Bakit magkasama sila?

Invited guests pala silang dalawa sa house warming at pagbubukas ng bagong branch ng Belo Medical Group Company sa Pampanga, na may hashtag na #BeloClark.

Ibinahagi ito sa official Instagram account ng Belo Medical Group na pag-aari ni Dra. Vicki Belo.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Piolo Pascual at Bianca Umali (Larawan mula sa IG/Belo Medical Group)

"We are incredibly thankful to everyone who joined us at Belo Clark’s housewarming party this afternoon. Thank you for the warmth, the company, and the endless trust. We are thrilled to finally serve you in Pampanga," saad sa IG caption.

Marami naman sa mga netizen ang inakalang magkakasama sila sa isang proyekto. Mukhang bagay naman daw silang dalawa, ayon na rin sa showbiz columnist na si Manay Lolit Solis.

Hayden Kho, Bianca Umali, Vicki Belo, at Piolo Pascual ((Larawan mula sa IG/Belo Medical Group)

"Ganda naman pictorial nina Piolo Pascual at Bianca Umali sa opening ng Belo Clinic sa Clark, Salve. Nagkaroon tuloy ng idea na sana magkasama sa isang project ang dalawa dahil mukhang may chemistry ang combination nila. Maganda nga dahil talaga naman kailangan ngayon mga bagong kumbinasyon, at very cool na pagsamahin sila Piolo Pascual at Bianca Umali," ayon sa caption ni Manay Lolit sa kaniyang IG post.

"Iyon maganda kay Bianca, dahil sophisticated beauty niya, puwede siya kahit sa mga edad nila Piolo Pascual. At iyon din maganda kay Piolo, young-looking siya kaya puwede kahit sa mga younger stars gaya ni Bianca. Sana magkaroon nga ng serye na silang dalawa, sure ako bongga iyon, please igawa na ninyo ng project para may bago naman mapanood. Please, please!!"

Kung teleserye, baka imposible pa ito sa ngayon dahil parehong may kontrata sa kani-kanilang mga home network ang dalawa. Pero kung sa pelikula, baka maaari naman.