Sa more than 60 movies na nagawa na umano ni Megastar Sharon Cuneta, ngayon lamang daw siya nakatagpo ng isang young actress na maihahalintulad niya sa kaniya: ito ay walang iba kundi si Julia Montes, na gumaganap na 'Mara' sa longest-running teleserye ngayon na 'FPJ's Ang Probinsyano' kung saan kabilang na sa cast members si Mega.

"Mara and Aurora. Sa lahat ng nakasama kong mas mga batang artista sa more than 60 movies ko, si Julia Montes ang nakita kong pinakapareho ko sa tunay na buhay," ani Megastar kalakip ang mga litrato nila ni Julia, na rumored girlfriend ni Coco Martin.

Julia Montes at Sharon Cuneta (Screengrab mula sa IG/Sharon Cuneta)

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

"Bungisngis, malambing, mabait. At magaling na artista. Love this girl!"

Bagama't maraming sumang-ayon, may mga netizen umano na hindi pabor na magkatulad silang dalawa, ayon mismo sa showbiz columnist na si Cristy Fermin.

Hindi raw sinungaling si Mega at agad nitong inamin ang pagbubuntis niya noon, kumpara umano Julia na hanggang ngayon daw ay 'denial queen' pa rin na may anak na sila ni Coco, at itinatago pa rin ang katotohanan sa kanilang relasyon. Hanggang ngayon umano ay hindi pa nagbibigay ng kumpirmasyon ang dalawa sa tunay na estado ng kanilang relasyon, kahit alam naman na umano ng publiko na sila na nga.

Binalikan ni Cristy na noong nagbuntis si Sharon kay KC Concepcion, inamin nito sa publiko ang kaniyang kalagayan, at wala rin umanong relasyong itinatago.

Samantala, sa isa sa mga video na ibinahagi naman ni Mega sa Instagram, nahagip ng kaniyang camera ang umano'y sweetness nina Coco at Julia habang nagkakasiyahan sila ng cast members ng FPJ's Ang Probinsyano.

"Ang sinasabi ng mga bashers at netizens, hindi sila pareho… malayo… dahil si Sharon ay umaamin sa mga nagaganap sa kaniyang personal na buhay, si Julia Montes, nagde-deny," pagdidiin pa ng showbiz columnist.

Samantala, wala pang reaksyon si Sharon o maging si Julia Montes sa isyung ito.