Hindi pinalagpas ni Nadine Lustre ang pasaring sa kaniya ng isang basher na kung totoo bang concern siya sa nangyari sa Siargao, kaugnay ng pananalasa ng bagyong Odette sa Kabisayaan, o kay Christophe Bariou lamang na kaniyang rumored boyfriend siya nag-aalala.

Isa kasi ang Siargao sa mga islang naapektuhan ng hagupit ni Odette. Dito nakabase ang Filipino-French businessman na si Christophe na rumored bf ni Nadine. Ito rin ang founder at managing director ng Maison Bukana, isang luxury boutique resort sa Sitio Lisob ng Siargao.

Nitong Disyembre 17, ibinulalas ni Nadine sa pamamagitan ng Twitter ang kaniyang pag-aalala sa mga kaibigan na naninirahan sa isla. Matatandaang ilang buwan ding nanirahan ang actress-singer sa naturang isla, ngunit mapalad namang nasa Maynila siya nang maganap ang bagyo.

"I’ve been frantic all day. My cortisol level hasn’t been this high in ages. I can’t even think straight. Please, let’s all help everyone affected by Typhoon Odette," ayon sa kaniyang tweet.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

"That trip to the airport wasn’t fun either. It was a freakin’ war zone," ayon pa sa isang tweet.

Screengrab mula sa Twitter/Nadine Lustre

Ngunit may isang basher na nagbitiw ng komento sa kaniya.

"Kunwari Typhoon Odette. Nag-alala lang 'yan kay Cristophe. Bilis maka-Siargao."

Agad naman siyang sinoplak ni Nadine, "Of course I'm worried, para kang tanga."

Screengrab mula sa Twitter/Nadine Lustre

As of the moment ay burado na ang naturang tweet ni Nadine.

Nagsagawa ng donation drive si Nadine para sa mga nabiktima ng bagyong Odette.

Image
Screengrab mula sa Twitter/Nadine Lustre