Itinaas pa rin sa Signal No. 2 ang Kalayaan Islands kahit nakalabas na ng bansa ang bagyong 'Odette.'

Sa ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huling namataan ang bagyo sa layong180 kilometro ng hilagang kanluran ngPag-asa Island, Kalayaan, Palawan, na nasa labas na ng Pilipinas.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging185 kilometerper hour (kph) malapit sa gitna at bugsong hanggang230 kph habang ito ay kumikilos pa-kanluran-hilagang kanluran sa bilis na 25 kph.

Sa pagtaya ng PAGASA, posibleng nasa karagatan na ng central Vietnam at Hainan Island ang bagyo ngayong araw, Disyembre 19.

Probinsya

9-anyos na bata, patay matapos makuryente ng tinatayang 20 minuto