Marami ang kinilig kina Jane De Leon at Joshua Garcia dahil sa ginawang pagyakap ni Jane kay Joshua sa katatapos lamang na ABS-CBN Christmas Special nitong Disyembre 18, 2021 ng gabi.

Kumakalat sa Twitter ang mga screen grabbed photos nilang dalawa habang nakayakap si Jane kay Joshua, na magkatambal sa anticipated action series na 'Darna: The TV Series' na isa sa mga pambala ng Kapamilya Network sa 2022.

Ngunit ayon kay Jane, may rason pala ang pagyakap niya kay Joshua, ayon sa kaniyang tweet nitong Disyembre 19, matapos ang kanilang Christmas special.

"Thank you @iamjoshuagarcia for helping me cover my wardrobe malfunction!" saad ni Jane.

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

Jane De Leon at Joshua Garcia (Screengrab mula sa Twitter/Jane De Leon/JANESHUA BUDDIES

Jane De Leon at Joshua Garcia (Screengrab mula sa Twitter/Jane De Leon/JANESHUA BUDDIES

Napigtas pala ang strap ng damit ni Jane kaya naman 'inoffer' ni Joshua ang kaniyang sarili upang matakpan ni Jane ang napigtas na strap.

Mukhang blessing in disguise naman ito dahil nakita kaagad ang chemistry ng dalawa.

"Ay napigtas pala isang strap akala ko totoong sweet na pero infairness bagay kayo. Excited for Darnaaaaa!!!!!"

"Sobrang kinilig ako sa inyo.Waaaah!!! Naka-ilang beses ko inulit yung yakapan na 'yan. Ganyan talaga si Joshua, napaka gentleman."

"In fairness, sumasabog ang chemistry! Bagay kayo!"

Lumabas na rin ang teaser ng Darna: The TV Series na pinusuan na rin ng mga netizen.