Waging 'TV Station of the Year' sa taunang RAWR Awards ng LionhearTV ang GMA Kapuso Network; kinilala rin ang mga Kapuso artists at shows nito, na ginanap nitong Disyembre 16, sa pamamagitan ng virtual awarding ceremony.

Kinilala ang GMA Network bilang 'outstanding branding, quality of output, good public relations, and providing 'Serbisyong Totoo' to its viewers.'

Nasungkit ng teleseryeng 'The World Between Us' ang parangal na 'Bet na Bet na Teleserye' na pinagbibidahan nina Asia’s Multimedia Star Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith, at Tom Rodriguez.

Si Dennis Trillo naman ang kinilalang 'Actor of the Year' sa pagganap bilang 'Ismael' sa seryeng 'Legal Wives.'

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Si Atom Araullo ang nag-uwi ng parangal na 'Male News Personality of the Year' na co-anchor sa flagship newscast ng GTV na 'State of the Nation' at award-winning documentary program na 'The Atom Araullo Specials.'Isa rin siya sa mga host ng 'I-Witness.'

'Pak na Pak na Comedian naman ang nasungkit ng Phenomenal Star na si Maine Mendoza para sa comedy sitcom na 'Daddy’s Gurl.'

Ang mga showbiz newcomers naman na sina Donn Boco at Jericho Arceo ay naparangalan bilang 'Beshie ng Taon' para sa 'The World Between Us.'

Mula naman sa ABS-CBN, itinanghal na 'Trending Show of the Year' ang 'Pinoy Big Brother' at 'Digital Series of the Year' naman ang 'He's Into Her' ng iWantTFC original series na pinagbidahan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano o mas kilala bilang 'DonBelle.' Sila rin ang kinilala bilang 'Breakthrough Artist of the Year' at 'Loveteam of the Year.'

Nakuha naman ni Unkabogable Phenomenal Star Vice Ganda ang 'Favorite TV Host of the Year.'

Si Karen Davila na main news anchor ng 'TV Patrol' at 'Headstart' ang itinanghal na 'Female News Personality of the Year.'

Si JM De Guzman naman ang 'Favorite Kontrabida' para sa teleseryeng 'Init sa Magdamag'at sina dating 'PBB Connect' housemates at 'Pasabuy' co-stars Ralph Malibunas at Ella Cayabyab o 'RalphElla' ang binigyan ng parangal na 'Favorite Newbie.'

'Vloggers of the Year naman sina Kapamilya personalities sina Esnyr Ranollo ng 'Love is Color Blind' at PBB Kumunity Season 10” host Toni Gonzaga.

Si John Arcilla naman na isa sa mga kontrabida ng 'FPJ’s Ang Probinsyano' ang nakapag-uwi ng 'Royal Lion,' isa sa mga major awards, dahil sa karangalang dinala niya sa Pilipinas dahil sa pagkakapanalo bilang 'Best Actor' sa prestihiyosong Venice International Film Festival.

Ang LionhearTV ay isa sa mga leading entertainment sites ng bansa. Pinili ang mga nagwagi batay sa pinagsama-samang boto ng entertainment press, bloggers at fans.