Dumalo sa isang kasal si Kapuso actor Tom Rodriguez sa Cebu kaya naranasan niya ang lupit at hagupit ni bagyong Odette nitong Dsiyembre 16 hanggang 17, ayon sa kaniyang latest Instagram post at update.

Sa isang video na ibinahagi ni Tom sa kanyang Instagram, makikitang medyo nagpa-panic ang mga guests at pansamantalang pinalikas ang mga tao kasama siya dahil ramdam na ang ulan at hanging dala ni Odette.

Tom Rodriguez (Screengrab mula sa IG)

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

“May kasal dito pero pinaakyat na lahat dito for everyone’s safety. Pinapapunta na lahat sa ballroom,” pagbabahagi ni Tom.

Noong una ay nasa lobby raw sila subalit pinaakyat na sila sa ballroom dahil sa labis na lakas ng ulan, nilagyan ng wooden bar ang entrada ng hotel bilang harang. Kalaunan daw ay nasira din ito dahil sa hampas ng hangin.

Nitong Dsiyembre 17 ay nakapag-update na si Tom matapos mawalan ng signal sa lugar.

“I’m sorry I haven’t been able to reply to everyone, phones are still down and wifi spotty. But I am physically fine."

“Please help me pray for our brothers and sisters who didn’t fare so well. Marami sa kanila nawalan ng bahay at walang pagkain at tubig."

“I am in awe with the Cebuano spirit na nagkaisa lahat kagabi sa hotel to make sure the doors don’t give in para mag-flood sa loob at magcause ng panic. Grateful din na maraming mga kababayan natin dito ang tumutugon sa pangangailangan ng mga kapatid nating nasalanta."

Tom Rodriguez (Screengrab mula sa IG)

Tom Rodriguez (Screengrab mula sa IG)

Tom Rodriguez (Screengrab mula sa IG)

Tom Rodriguez (Screengrab mula sa IG)

Tom Rodriguez (Screengrab mula sa IG)

Tom Rodriguez (Screengrab mula sa IG)

Tom Rodriguez (Screengrab mula sa IG)

Tom Rodriguez (Screengrab mula sa IG)

Tom Rodriguez (Screengrab mula sa IG)

Tom Rodriguez (Screengrab mula sa IG)

“Praying for a speedy recovery for Cebu, our fellow Cebuanos at sa lahat ng mga nasalanta ni Odette sa buong Pilipinas,” sey pa ni Tom.