Ibinasura ng Commission on Elections (Comelec) Second Division ang petisyong humihiling na ideklara si dating Senador at Presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang nuisance candidate.

Sa isang Viber message para sa mga mamamahayag nitong Sabado, sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na ang naturang petisyon ay inihain ni Danilo Lihaylihay, na isa ring 2022 presidential aspirant.

“The petition filed by Danilo Lihaylihay, seeking to declare former Senator Ferdinand Marcos Jr. a nuisance candidate, has been denied by the 2nd Division of thE COMELEC,” ayon kay Jimenez.

“In a decision promulgated on the 16th of December 2021, the 2nd Division ruled that Marcos’ candidacy did not fall under any of the three broad categories of nuisance candidates, i.e., one who has a filed a candidacy to throw the election process in mockery of disrepute, or to cause confusion among voters by the similarity of names, or that there are acts or circumstances which clearly demonstrate the lack of a bona fide intention to run for office,” aniya pa.

National

Malacañang, naglabas ng pahayag hinggil sa komento ni Enrile sa INC rally

Nabatid na sina Comelec Second Division Presiding Commissioner Socorro Inting at Commissioner Antonio Kho Jr. ang lumagda sa resolusyon na nagbabasura sa naturang petisyon ni Lihaylihay.

Matatandaang si Marcos Jr. ang standard bearer ng partido Federal ng Pilipinas para sa 2022 presidential elections at running mate niya si Davao City Mayor Sara Duterte, na anak ni Pang. Rodrigo Duterte.

Nabatid na bukod naman sa naturang petisyon, mayroon pang anim na petisyong inihain sa Comelec na humahamon sa presidential bid ni Marcos Jr., kabilang dito ang dalawa na humihiling na kanselahin ang kanyang Certificate of Candidacy (COC) at apat na pawang disqualification cases.

Mary Ann Santiago