Mula sa sariling bahay at sasakyan, isang beach house ang pinakabagong investment ng social media personality na si Mimiyuuuh.

Sa kanyang pinakahuling vlog sa Youtube kamakailan, ibinahagi ng Youtube star ang kaniyang pagbisita kasama ang kanyang pamilya sa isang beach house property sa labas ng Metro Manila.

“Actually hindi po talaga ako mahilig sa dagat, hindi po talaga ‘ko palalangoy na tao. Maybe kaya ko po magka-beach house is because it’s the water sign in me. You know what I’m saying, Scorpio king,” sabi ni Mimiyuuh.

“This video po is not to brag or to put pressure on you guys lalo sa mga viewers natin diyan with some 20 [years old] something,” pagpaalala niya.

Human-Interest

Beking nakabuntis ng tibo, 'di apektado sa hanash ng ibang tao: 'Close ba tayo?'

Matapos ang kaniyang viral “Dalagang Pilipina" video noong 2019, hindi na napigil ang tagumpay ng online star mula sa kabi-kabilang big-time product endorsements sa telebisyon, social media hanggang sa pagbubukas ng sariling negosyo. Dahil dito, nais maging matalino ni Mimiyuuuh sa kanyang pera.

“I want to share this experience to share with you guys kasi. Since tumatanda ang inyong girl, I want to use my money and investment on the right path,” aniya.

“Kapag land daw, hindi talaga siya bumababa ang value,” dagdag niya.

&t=608s

BEACH HOUSE HUNTING WITH FAM! | mimiyuuuh

“Since day one, you’ve been there with me. I just wanna say thank you guys.”

Sa kabilang banda, nais din ni Mimiyuuh na magkaroon ng beach house para sa kanyang pamilya lalo pa’t pangarap ng kanyang ama ang magkaroon ng isang farm.

“Aside from my want to have a beach house, I want also them na matuwa in the future naming bahay malapit sa dagat,” ani Mimiyuuh.

Isang tree-storey beach house ang ipinakita ni Mimiyuuh sa kanyang vlog kung saan kumpleto na rin halos ang mga kagamitan sa loob.

Ibinahagi rin ni Mimiyuuuh ang ilan niyang plano sa naturang ari-arian.

Sa huli, tinapos ng Youtube star ang vlog na puno ng determinasyon na lalong maging masipag para sa kanyang mga pangarap.